đź“…

DARPO-Apayao conducted a resurvey of agricultural land in Ripang, Apayao to resolve discrepancies in boundaries and misidentified beneficiaries to ensure fair distribution prioritizing actual land occupants and promoting the integrity of agrarian reform.

The Department of Agrarian Reform Provincial Office (DARPO) in Apayao has taken a significant step toward equitable land distribution by addressing long-standing discrepancies in land allocation caused by inaccurate surveys and misidentified Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Two parcels of land in Ripang, covered by Survey Nos. SWO-133203-000345 (AR) and SWO-133203-000364 (AR), were initially awarded to ARBs under the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). However, a thorough review revealed that the registered ARBs were not the actual land occupants due to errors in the original surveys.

DARPO-Apayao conducted a resurvey of agricultural land in Ripang, Apayao to resolve discrepancies in boundaries and misidentified beneficiaries to ensure fair distribution prioritizing actual land occupants and promoting the integrity of agrarian reform.

To address the issue, a resurvey was conducted in 2015, providing accurate land boundaries and confirming the real status of land occupation. With the new data, DARPO Apayao initiated Agrarian Legal Implementation (ALI) proceedings to formally resolve the inconsistencies.

The Legal Division also held consultations with affected farmers to explain the disqualification of the original ARBs and the subsequent cancellation of their Certificates of Land Ownership Award (CLOAs). Affidavits and certifications from the Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) confirmed that the land had been mistakenly awarded. In response, the original ARBs—who continue to occupy the land—requested the cancellation of their titles due to technical errors.

With strong support from BARC Chairman Reynaldo Moyaen and Barangay Captain Marino Costales, DAR ensured transparent and inclusive discussions with stakeholders. The corrected survey and legal actions now pave the way for a more just and accurate land distribution process in Apayao. This effort highlights DAR’s commitment to upholding fairness and accuracy in agrarian reform, ensuring that rightful land occupants receive the recognition and support they deserve. (By: Resurreccion Arcaina with contributions from DAR Apayao)

DAR Apayao Nilutas ang Problema sa Pagkakamali sa Pamamahagi ng Lupa

Isang mahalagang hakbang tungo sa makatarungang pamamahagi ng lupa ang ginawa ng Department of Agrarian Reform Provincial Office (DARPO) sa Apayao matapos nitong ayusin ang mga pagkakamali sa dating sukat at pagkakakilanlan ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ng lupa.

Ang dalawang bahagi ng lupa sa Ripang, na sakop ng Survey Nos. SWO-133203-000345 (AR) at SWO-133203-000364 (AR), ay unang ipinagkaloob sa mga ARBs sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ngunit nang muling suriin, lumabas na hindi pala ang mga nakatala sa titulo ang tunay na nakatira at nagsasaka sa lupa, dulot ng maling survey.

Upang maitama ito, nagsagawa ang DARPO Apayao ng panibagong sukat noong 2015. Dito ay nalinaw ang tamang hangganan ng lupa at naayos ang impormasyon tungkol sa mga tunay na nakikinabang dito. Dahil dito, sinimulan na ng DAR ang legal na proseso upang ayusin ang mga kamalian.

Nagpulong din ang Legal Division ng DAR kasama ang ARBs upang ipaliwanag ang dahilan ng pagkakadisqualify ng orihinal na ARBs at ang pagbawi ng kanilang mga titulo (CLOA). Sa tulong ng mga affidavit at sertipikasyon mula sa Barangay Agrarian Reform Committee (BARC), napatunayan na mali ang pagkakatalaga ng mga benepisyaryo. Ang orihinal na ARBs na hanggang ngayon ay nananatili sa lupa ay kusang humiling ng kanselasyon ng kanilang titulo dahil sa maling sukat.

Sa suporta nina BARC Chairman Reynaldo Moyaen at Barangay Captain Marino Costales, naging maayos at bukas ang pag-uusap sa mga apektadong magsasaka. Sa pamamagitan ng tamang sukat at legal na hakbang, nabuksan na ang daan para sa mas patas at makatarungang pamamahagi ng lupa sa Apayao.

Ipinapakita ng proyektong ito ang matibay na paninindigan ng DAR sa makatarungan at tumpak na pagpapatupad ng reporma sa lupa—para ang tunay na nagbubungkal ng lupa ang siyang makinabang.