đź“…

Nagtipunan, Quirino – The Department of Agrarian Reform (DAR), through its Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (Project SPLIT), has awarded 195 electronic titles (e-titles) to 209 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) in Barangay Keat, Nagtipunan, Quirino province.
The e-titles cover 674.56 hectares of agricultural land and form part of a simultaneous, regionwide distribution of land titles. Quirino recorded the second-highest number of titles awarded in the Cagayan Valley region, following Isabela with 381 titles. Nueva Vizcaya and Cagayan distributed 25 and 17 titles, respectively.
The Project SPLIT accelerates the subdivision of collective land titles into individual e-titles, giving ARBs full ownership rights. This strengthens land tenure security, enables easier land transactions, and empowers ARBs to maximize the value of their land.

Under the leadership of DAR Secretary Conrado Estrella III, the agency continues to fast-track land distribution to meet project deadlines and deliver the benefits of land reform to more ARBs.
“This proves the government is not neglecting us,” said Atty. Albert Lasiste, Jr., Executive Assistant to the Nagtipunan Mayor, as he urged ARBs to support DAR initiatives.
Quirino Vice Governor Julius Ceasar Vaquilar also commended DAR and its partner agencies for their efforts in addressing farmers’ needs.
DAR Regional Director Primo Lara emphasized the agency’s grassroots approach: “We bring our services directly to the farmers. You don’t have to go to us—we come to you.”
Grateful for the support, ARB Jerry Pasigian expressed appreciation for DAR’s commitment to helping ARBs claim what is rightfully theirs.
Through Project SPLIT, DAR continues to uplift the ARBs by securing their land rights and transforming rural communities. (By: Pinky Roque with contributions from DAR Quirino)
DAR Namahagi ng 195 E-Titles sa Quirino ARBs, Pinalakas ang Pagmamay-ari ng Lupa
Nagtipunan, Quirino – Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng 195 electronic titles (e-titles) sa 209 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Barangay Keat, Nagtipunan, Quirino sa ilalim ng programang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT.
Sakop ng e-titles ang 674.56 ektarya ng lupang sakahan at bahagi ito ng sabayang pamamahagi ng mga titulo sa buong rehiyon. Sa buong Cagayan Valley, pumangalawa ang Quirino sa pinakamaraming naipamahaging titulo, kasunod ng Isabela na may 381. May 25 titulo namang naipamahagi sa Nueva Vizcaya at 17 sa Cagayan.
Layunin ng Project SPLIT na hatiin ang mga dating collective land titles at gawing indibidwal na e-titles. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng buong karapatan ang ARBs sa kanilang lupa, mas pinapadali ang proseso ng pagbebenta o paglipat ng lupa, at mas napapakinabangan nila ito.
Sa pamumuno ni DAR Secretary Conrado Estrella III, mas pinabibilis ang pamamahagi ng lupa upang maabot ang target ng proyekto at mapakinabangan agad ng mga ARB ang reporma sa lupa.
Ayon kay Atty. Albert Lasiste, Jr., Executive Assistant ng Alkalde ng Nagtipunan, “Patunay ito na hindi tayo pinababayaan ng gobyerno.” Hinikayat din niya ang mga ARB na suportahan ang mga programa ng DAR.
Pinasalamatan ni Quirino Vice Governor Julius Ceasar Vaquilar ang DAR at mga katuwang na ahensya sa patuloy na pagtulong sa mga magsasaka.
Binanggit naman ni DAR Regional Director Primo Lara ang layunin ng DAR na ilapit ang serbisyo sa mga tao. “Alam naming mahirap ang biyahe papuntang opisina, kaya kami na mismo ang pumupunta sa mga barangay para magserbisyo,” aniya.
Nagpasalamat si Jerry Pasigian, isa sa mga ARB, sa pagsusumikap ng DAR na maibigay sa kanila ang lupang nararapat para sa kanila.
Sa pamamagitan ng Project SPLIT, patuloy ang DAR sa pagbibigay ng seguridad sa pagmamay-ari ng lupa ng mga ARB at sa pagpapabuti ng kabuhayan sa kanayunan.