📅

DAR Undersecretary Rowena Niña Taduran test drive75-horsepower 4-wheel-drive tractor provided to the SMARFO under the Project CSA.

IRIGA CITY, Camarines Sur – The Department of Agrarian Reform (DAR) continues its commitment to uplift the lives of Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) by providing essential farm machineries and equipment (FMEs) and livelihood support to DAR-assisted Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) in Iriga City.

This was made possible through the DAR’s Project Climate Smart Agricultural Production & Agribusiness Development Adopting Value Chain Approach (Project CSA).

DAR provides P40,000 worth of feed milling equipment to SMARFO and supports SPFARBA with pili nursery materials in Iriga City.

Conceptualized by Chief Agrarian Reform Program Officer Lerma Dino and spearheaded by Undersecretary Rowena Niña Taduran, Project CSA aims to equip farmers in the Buhi-Iriga City Agrarian Reform Community Cluster (ARCC) with climate-resilient agricultural solutions.

As the pilot province, DAR Camarines Sur I is now implementing Phase Two of the project, introducing modernized tools and livelihood support to local farmers.

Among the latest beneficiaries is the Sta. Maria Agrarian Reform Farmers Organization (SMARFO), Inc., which received a portable sack sealer, sack threads, brand-new clean sacks, and an industrial weighing scale—a package valued at P40,000 to enhance its feed milling enterprise.

DAR Undersecretary Rowena Niña Taduran (middle) with Chief Agrarian Reform Program Officer Lerma Dino (5th from right) led the distribution of livelihood support to Buhi-Iriga City Agrarian Reform Community Cluster (ARCC).

As the lead consolidator for corn milling and trading in the Buhi-Iriga City ARCC, SMARFO will use the equipment to boost its operations and support neighboring ARBOs in increasing their income.

Meanwhile, the San Pedro Farmers Agrarian Reform Beneficiaries Association (SPFARBA), Inc. received PVC drums, garden tools, storage boxes, poly bags, and wheelbarrows worth P26,965 to aid in establishing a pili nursery, which is expected to generate new livelihood opportunities for its members.

Previously, SMARFO also benefited from Project CSA’s mechanization component, receiving a 75-horsepower 4-wheel-drive tractor. Eight (8) ARBOs, including SMARFO and SPFARBA, were given over 300 grafted pili seedlings and vegetable seeds under the project’s Household Livelihood Support component.

The recent delivery of agricultural tools and materials was led by Engr. Jose Jesus Rey Jr., alongside Domingo Consuelo Jr., Engr. Christopher Pante, and Beverly Atanante, all members of the Project CSA provincial management team.

Leaders of the recipient ARBOs expressed their gratitude for DAR’s continuous support. Joey Cleofe, President of SPFARBA, Inc., emphasized that the assistance provided was more than just equipment—it was an investment in their ARBO’s future. Meanwhile, Rhoda Dela Cruz, Auditor of SMARFO, Inc., welcomed the tools, which will significantly improve their feed milling operations.

The ongoing implementation of Project CSA reflects DAR’s commitment to empowering ARBs by integrating sustainable, climate-smart practices into their farming operations. (By: Edminda Roque with contributions from the DAR field office)

DAR Nagkaloob ng Kagamitang Pangsaka at Suportang Kabuhayan sa mga Magsasaka sa Iriga City

IRIGA CITY, Camarines Sur – Patuloy ang pangako ng Department of Agrarian Reform (DAR) na i-angat ang kabuhayan ng mga Agrarian Reform Beneficiary (ARB) sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang kagamitan sa pagsasaka at suportang pangkabuhayan sa mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) na tinutulungan ng Dar sa lungsod ng Iriga.

Ito ay naging possible sa pamamagitan ng Project Climate Smart Agricultural Production & Agribusiness Development Adopting Value Chain Approach (Project CSA).

Ang konsepto ng Project CSA, na binuo ni Chief Agrarian Reform Program Officer Lerma Dino at pinangungunahan ni Undersecretary Rowena Niña Taduran, ay naglalayong bigyan ang mga magsasaka sa Buhi-Iriga City Agrarian Reform Community Cluster (ARCC) ng solusyong pang-agrikultural upang magkaroon ng katatagan sa pabago-bagong klima.

Bilang pilot province, kasalukuyang ipinatutupad ng DAR Camarines Sur I ang Ikalawang Yugto ng proyekto upang dalhin ang makabagong kagamitan at suportang pangkabuhayan sa mga lokal na magsasaka.

Kabilang sa pinakahuling benepisyaryo ay ang Sta. Maria Agrarian Reform Farmers Organization (SMARFO), Inc., na nakatanggap ng portable sack sealer, sack threads, malilinis na bagong sako, at industrial weighing scale—na nagkakahalaga ng P40,000 upang mapalakas ang kanilang feed milling enterprise.

Bilang pangunahing tagapagtipon ng corn milling at trading sa Buhi-Iriga City ARCC, magagamit ng SMARFO ang mga kagamitan upang mapalawak ang operasyon nito at matulungan ang mga kalapit na ARBOs sa pagpapataas ng kanilang kita.

Samantala, nakatanggap naman ang San Pedro Farmers Agrarian Reform Beneficiaries Association (SPFARBA), Inc. ng PVC drums, garden tools, storage boxes, poly bags, at wheelbarrows na nagkakahalaga ng P26,965 upang suportahan ang pagtatayo ng pili nursery, na magbibigay ng bagong oportunidad sa kabuhayan ng kanilang mga miyembro.

Dati ng napagkalooban ang SMARFO ng mechanization component ng Project CSA sa pamamagitan ng isang 75-horsepower 4-wheel-drive tractor. Walo (8) pang ARBOs, kabilang ang SMARFO at SPFARBA, ang nabigyan ng mahigit 300 grafted pili seedlings at vegetable seeds sa ilalim ng Household Livelihood Support component ng proyekto.

Pinangunahan ni Engr. Jose Jesus Rey Jr., kasama sina Domingo Consuelo Jr., Engr. Christopher Pante, at Beverly Atanante ng Project CSA provincial management team, ang pamamahagi ng mga kagamitang pang-agrikultura.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga pinuno ng mga ARBO sa walang sawang suporta ng DAR. Ayon kay Joey Cleofe, Pangulo ng SPFARBA, Inc., ang tulong na natanggap nila ay hindi lamang simpleng kagamitan kundi isang puhunan para sa hinaharap ng kanilang ARBO. Samantala, buong galak na tinanggap ni Rhoda Dela Cruz, Auditor ng SMARFO, Inc., ang mga kasangkapang magpapabuti sa kanilang feed milling operations.

Ang patuloy na pagpapatupad ng Project CSA ay bahagi ng pangako ng DAR na bigyang kapangyarihan ang mga ARB sa pamamagitan ng pagsasama ng napapanatiling at climate-smart practices sa kanilang mga operasyon sa pagsasaka.