đź“…
Surallah, South Cotabato – The Department of Agrarian Reform (DAR) distributed a total of 2,756 land titles, benefitting 2,666 agrarian reform beneficiaries (ARBs) comprising a total of 3,532 hectares from the provinces of Cotabato and South Cotabato.
The department distributed 2,103 land titles to 2,067 ARBs covering 2551.16 has. in South Cotabato, while 653 land titles were handed out to 599 ARBs, covering 981.11 has. in Cotabato.
This event is in line with the department’s mandate of distributing certificates of landownership award (CLOAs) to landless farmers under the regular Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) and the Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.
Project SPLIT involves the parcelization of lands and issuance of individual land titles to ARBs previously awarded lands through collective CLOAs.
The event’s goal is to improve land tenure security, increase land productivity, and strengthen the rights of ARBs through accelerated generation and distribution of titles to the farmers.
DAR Undersecretary for Mindanao Affairs Amihilda Sangcopan said the distribution of the essential documents not only signified the legal recognition of the ARB’s land rights but also opened doors to greater economic opportunities and social empowerment.
“The agrarian reform does not end in the distribution of land titles but instead is the beginning of securing land tenure and access to resources of the ARBs. Through these titles, ARBs are empowered to make informed decisions about their land use, agricultural practices, and future investments, which would lead to improved livelihood and enhanced food security,” Sangcopan said.
Sangcopan said that the distribution of CLOAs and Project SPLIT E-Titles is not merely a bureaucratic formality but a transformative act that reverberates towards realizing the dreams of the past generations and laying a solid foundation for the generations yet to come, ensuring a legacy of prosperity and progress for all who consider these lands home.
Assistant Secretary Vinci Beltran, Director Hamidah Guro, DAR XII officers headed by Regional Director Mariannie Lauban Baunto, South Cotabato Vice Governor Arturo Pingoy, Surallah Mayor Pedro Matinong Jr., and representatives from various partner organizations also graced the event.
DAR namahagi ng 2,756 titulo ng lupa, mga magsasaka mula sa Cotabato at South Cotabato nakinabang
đź“…
Surallah, South Cotabato – Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng may kabuuang 2,756 titulo ng lupa, na pakikinabangan ng 2,666 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na may kabuuang 3,532 ektarya mula sa mga lalawigan ng Cotabato at South Cotabato.
Ang ahensiya ay namahagi ng 2,103 titulo ng lupa sa 2,067 ARBs na sumasakop sa 2551.16 ektrya sa South Cotabato, samantalang 653 titulo ng lupa ang ipinamigay sa 599 ARBs, an sumasakop 981.11 has. sa Cotabato.
Ang kaganapang ito ay naaayon sa mandato ng ahensiya na mamahagi ng certificates of landownership award (CLOAs) sa mga magsasakang walang lupain sa ilalim ng regular na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.
Ang Project SPLIT ay may kaugnayan sa paghahati-hati ng mga lupain at pag-iisyu ng mga indibidwal na titulo sa mga ARB na dati nang ginawaran ng mga lupain sa ilalim ng collective CLOA
Layunin ng kaganapan na pahusayin ang seguridad sa pagmamay-ari ng lupa, dagdagan ang produktibidad ng lupa, at palakasin ang mga karapatan ng mga ARB sa pamamagitan ng pinabilis na pagbuo at pamamahagi ng mga titulo sa mga magsasaka.
Sinabi ni DAR Undersecretary for Mindanao Affairs Amihilda Sangcopan na ang pamamahagi ng mga napakahalagang dokumentong ito ay hindi lamang pagpapakita ng legal na pagkilala sa kanilang karapatan sa lupain kundi pagbubukas din ng mas malawak na oportunidad pang-ekoomiya at kapangyarihang panlipunan.
“Ang repormang agraryo ay hindi nagtatapos sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa ngunit sa halip ay ang simula ng pagtiyak ng seguridad sa lupa at pag-access ng mga ARB sa ibat-ibang mga suporta. Sa pamamagitan ng mga titulong ito, binibigyang kapangyarihan ang mga ARB upang gumawa ng mga tamang desisyon sa paggamit ng kanilang lupain, mga gawi sa agrikultura, at mga pamumuhunan sa hinaharap, na magdudulot ng mas maunlad na kabuhayan at pinag-igting na seguridad sa pagkain,” ani Sangcopan.
Sinabi ni Sangcopan na ang pamamahagi ng CLOA at Project SPLIT E-Titles ay hindi lamang pormalidad na kaganapan kundi isang transpormasyon at hakbang tungo sa pagtupad sa pangarap ng mga nakaraang henerasyon at paglalatag ng matatag na pundasyon para sa mga darating pang henerasyon, na nagseseguro ng isang pamana ng kasaganaan at kaunlaran para sa lahat na itinuturing na tahanan ang mga lupaing ito.
Ang okasyon ay dinaluhan din nina Assistant Secretary Vinci Beltran, Director Hamidah Guro, DAR XII officers na pinamumunuan ni Regional Director Mariannie Lauban Baunto, South Cotabato Vice Governor Arturo Pingoy, Surallah Mayor Pedro Matinong Jr. at mga kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyon.