đź“…

Surigao del Norte ARBs who are members of the RCARC and the MARBC ARBs in Surigao City, proudly receive their combined rice harvesters (RCH) from the DAR which will boost their productivity, reduce postharvest losses, and improve their overall income.

San Isidro Surigao del Norte — The Department of Agrarian Reform (DAR) has enhanced the productivity and income of Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) by providing rice combine harvesters (RCH) to two (2) Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs), significantly improving their farming operations.

Funded through the DAR’s Agrarian Reform Fund (ARF), the Farm Machineries and Equipment (FMEs) worth ₱3.55 million, streamline the harvesting process, allowing ARBs to work faster and with less manual labor. and reduce postharvest losses.

Rocky M. Aborro, Chairperson of the Roxas Community Agrarian Reform Cooperative (RCARC) in Brgy. Roxas, expressed gratitude for the support that they received.

Surigao del Norte ARBs who are members of the RCARC and the MARBC ARBs in Surigao City, proudly receive their combined rice harvesters (RCH) from the DAR which will boost their productivity, reduce postharvest losses, and improve their overall income.

“We are very thankful to the DAR for this Farm Machinery and Equipment (FME). It is a great help to our cooperative and to all farmers in need. We hope this kind of assistance continues so more ARBs can benefit,” Aborro said.

The RCH can perform six key operations—gathering, transporting, reaping, threshing, cleaning and bagging—making the harvesting process faster, more efficient and labor-saving. It can harvest up to three hectares per day, reducing dependency on manual labor and minimizing postharvest losses.

Designed to be climate-resilient, the equipment is well-suited to local conditions, ensuring reliability even in challenging environments.

Lisa A. Aclo, Board of Director of the Mabini Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (MARBC) in Brgy. Mabini, Surigao City, was equally grateful for the assistance. “Harvesting will now be easier in our rice fields. Our palay will no longer be at risk of rotting. Thank you, DAR, for this invaluable support.”

DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Crisostomo N. Bernaldez emphasized the impact of the initiative. “By equipping ARBOs with modern FMEs, DAR is helping ARBs improve efficiency, increase their income and modernize their farming operations.”

This initiative underscores DAR’s commitment to strengthening agrarian reform communities (ARCs), enhancing agricultural productivity and ensuring a more sustainable future for the ARBs. (By: Pinky Roque)

DAR, Nagbigay ng Makabagong Harvester Para Pataasin ang Produksyon at Kita ng Surigao Norte ARBs

San Isidro, Surigao del Norte—Pinapalakas ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang produksyon at kita ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa pamamagitan ng pagbibigay ng rice combine harvesters (RCH) sa dalawang (2) Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs), na magpapabuti sa kanilang operasyon sa pagsasaka.

Pinondohan sa pamamagitan ng Agrarian Reform Fund (ARF) ng DAR, ang nasabing Farm Machineries and Equipment (FMEs), na nagkakahalaga ng ₱3.55 milyon, ay magpapadali sa proseso ng pag-aani, upang mas maging mabilis ang pagtatrabaho ng ARBs, dahil kaunti na lang ang magiging manwal na paggawa at mabawasan ang pagkalugi pagkatapos anihin.

Nagpahayag ng pasasalamat si Rocky M. Aborro, Chairperson ng Roxas Community Agrarian Reform Cooperative (RCARC) sa Brgy. Roxas, sa ibinigay na tulong na ito.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa DAR para sa Farm Machinery and Equipment (FME) na ito. Ito ay isang malaking tulong sa aming kooperatiba at sa lahat ng magsasakang nangangailangan ng suporta mula sa gobyerno. Sana ay magpatuloy ang ganitong klaseng tulong upang mas maraming magsasaka ang makinabang,” ani Aborro.

Ang RCH ay may kakayahang magsagawa ng anim (6) na pangunahing operasyon—pagtitipon, pagdadala, pag-aani, paggiik, paglilinis, at pagbabalot—na ginagawang mas mabilis, mas mahusay, at mas matipid sa paggawa ang proseso ng pag-aani. Kaya nitong mag-ani ng hanggang tatlong (3) ektarya bawat araw, na nagpapababa ng pangangailangan sa manwal na paggawa at nagpapabawas ng pagkalugi matapos ang anihan.

Dinisenyo upang maging matibay sa klima, ang kagamitan ay angkop na angkop sa mga sa mga lokal na mga kondisyon at maaasahan kahit sa mahihirap na sitwasyon.

Ipinahayag ni Lisa A. Aclo, Direktor ng Lupon ng Mabini Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (MARBC) sa Brgy. Mabini, Surigao City, ang kanyang kasiyahan at pasasalamat:

“Mas magiging madali na ang pag-aani sa aming palayan. Hindi na mabubulok ang aming palay dahil sa makinaryang ito. Maraming salamat, DAR, sa napakahalang tulong na ito.”

Ipinunto naman ni Crisostomo N. Bernaldez, DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO), ang kahalagahan ng inisyatibong ito: “Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng DAR sa ating mga ARBO ng makabagong FMEs, tinutulungan ng DAR ang mga ARB na mapabuti ang sistema, dagdagan ang kanilang kita, at gawing moderno ang kanilang mga operasyon sa pagsasaka.”

Binibigyang-diin ng inisyatibong ito ang pangako ng DAR sa pagpapalakas ng mga agrarian reform communities (ARCs), pagpapahusay ng produktibidad sa agrikultura at pagtiyak ng mas napapanatiling kinabukasan para sa ARBs.