đź“…

Agusan Del Norte – Around 150 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) in Agusan del Norte are now better prepared to manage their farms like businesses after completing a five-day Farm Business Simulation Workshop organized by the Department of Agrarian Reform (DAR).
The training was attended by officers and members from five (5) Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) across the province. The goal is to enhance their skills in farm enterprise management and to help them access future funding and business opportunities.
“This workshop goes beyond theory—it empowers our ARBs to take control of their farm businesses,” said Provincial Agrarian Reform Program Officer Glen A. Petilla. “We want them to make sound decisions that grow their income and secure their future.”

The workshop included practical simulations of real-world business scenarios, such as managing finances, marketing farm products, and creating business plans. These hands-on activities helped participants apply what they learned and build confidence in running their operations.
Chief Agrarian Reform Program Officer Ellen J. Torralba highlighted the importance of the training: “Our ARBs now have the tools to face the challenges of agribusiness. They’ve gained valuable knowledge they can bring back to their communities.”
Constancio Dalanon, one of the participants, shared his appreciation: “After the workshop, I feel more confident in running my farm and facing business challenges.”
Participants also expressed their commitment to sharing what they learned with fellow ARBs—strengthening collaboration and teamwork within their organizations. (By: Pinky Roque with contributions from DAR Agusan del Norte)
DAR Tinuruan ang Agusan del Norte ARBs ng Kasanayan sa Pagnenegosyo
Agusan Del Norte – Humigit-kumulang 150 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Agusan del Norte ang mas handa na ngayong pamahalaan ang kanilang sakahan bilang isang negosyo matapos dumalo sa limang araw na Farm Business Simulation Workshop na inorganisa ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Dumalo sa pagsasanay ang mga opisyal at miyembro mula sa limang (5) Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa iba’t ibang bayan ng lalawigan. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng ARBs sa pamamahala ng sakahan at matulungan silang makakuha ng pondo at iba pang oportunidad sa negosyo.
“Hindi lang ito basta seminar, kundi isang paraan para mabigyan ng kakayahan ang ating ARBs na pamahalaan ang kanilang sakahan bilang isang tunay na negosyo,” ani Provincial Agrarian Reform Program Officer Glen A. Petilla. “Gusto naming matuto sila kung paano gumawa ng tamang desisyon para mapalago ang kita at masigurado ang kanilang kinabukasan.”
Kasama sa workshop ang mga aktwal na pagsasanay na gaya ng tamagn pamamahala ng pera, pagbebenta ng produkto, at paggawa ng plano sa negosyo. Dahil dito, mas naging malinaw sa mga kalahok ang mga konsepto at naging mas kumpiyansa sila sa pagpapatakbo ng kanilang sakahan.
Binigyang-diin ni Chief Agrarian Reform Program Officer Ellen J. Torralba ang kahalagahan ng aktibidad: “May baon na silang bagong kaalaman na makatutulong sa kanila sa pagharap sa mga hamon ng negosyo sa pagsasaka. Maari rin nila itong ibahagi sa kanilang mga komunidad.”
Nagpasalamat din ang isa sa mga kalahok na si Constancio Dalanon: “Pagkatapos ng workshop, mas handa na akong pamahalaan ang aking sakahan at harapin ang mga hamon ng negosyo sa pagsasaka.”
Nangako ang mga kalahok na ibabahagi nila ang kanilang natutunan sa kapwa nila ARB upang mas mapalakas ang tulungan at pagkakaisa sa kanilang mga samahan.