📅

Senator Imee Marcos together with DAR Regional Director Jamil Amatonding led the distribution of Certificate of Condonation with Release of Mortgage to Agrarian Reform Beneficiary Moises Lidres in Davao del Sur.

Three (3) agrarian reform beneficiaries (ARBs) in the Davao region will now breathe a sigh of relief as the Department of Agrarian Reform (DAR) condoned more than P1 million each of their loans.

Rodolfo B. Torrejos of Barangay Sirawan, Tori District, Davao City is freed from his Php1.827 million loan due to his unpaid amortizations from the land previously provided by the government. Edgardo A. Romaguera of Barangay Ibo, Malalag, Davao Del Sur is also free from his Php1.529 million loan, while Rico M. Masaglang of Barangay Malalag Tubig, Santa Maria, Davao Occidental was freed from his Php1.588 million loan.

The condonation of loans resulted when the DAR with Senator Imee Marcos led the distribution of 2,501 Certificate of Condonation with Release of mortgage (COCROM) to 2,207 ARBs from Davao City, Davao del Sur, and Davao Occidental relieving them of a collective debt amounting to ₱150.409 million covering 2,883.8478 hectares. The event happened on Wednesday, December 11, 2024, at Digos City Gym, Davao del Sur.

Senator Imee Marcos with top officials from the DAR and the local government of Davao and recipients of certificates of condonation.

Moises Lidres, 63, one of the COCROM recipients from Kidlawan, Davao del Sur received his Title No. 2017000276, covering 8,814.00 square meters condoning his debt amounting to P112,509.45.

“Ang kondonasyong ito ay malaking tulong sa aming mga magsasaka. Hindi po ito basta papel lamang; ito po ay simbolo ng pag-asa at susi tungo sa mas magandang kinabukasan naming mga magsasaka,” he said.

Marcos expressed her gratitude that the COCROMs were finally released to the ARBs.

“Nagsimula ito noong 1972, so 52 years na nila inantay. At sa wakas, ayan, yung pangako ay naibigay na. Kasi sa kasamaang palad, matapos yung termino ng tatay ko, hindi na masyadong itinuloy yung pamimigay ng titulo, samantalang yung mga magsasaka, talagang umaasa rito,” she said.

From the total of 2,501 COCCROMs, DAR distributed 443 COCROMs in Davao City, covering 347.4042 hectares to 391 ARBs and condoning P3.420 million loans. In Davao Sur, 1,144 COCROMs were issued, involving 1,320.4762 hectares to 1,045 ARBs, erasing a total of P72.659 million debts. And in Davao Occidental, 914 COCROMs were issued covering 1,215.9674 hectares to 771 ARBs and condoning a P57.059 million loan.

DAR binura ang mahigit P1 milyon bawat isang agraryong pautang ng 3 magsasaka sa rehiyon ng Davao

Makakahinga na ngayon ng maluwag ang tatlong (3) agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa rehiyon ng Davao dahil binura na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mahigit P1 milyon bawat isa sa kanilang mga utang.

Si Rodolfo B. Torrejos ng Barangay Sirawan, Tori District, Davao City ay nakalaya mula sa kanyang Php1.827 milyon na utang dahil sa kanyang hindi nabayarang amortisasyon mula sa lupang nauna nang ipinagkaloob ng gobyerno. Si Edgardo A. Romaguera ng Barangay Ibo, Malalag, Davao Del Sur ay libre rin sa kanyang Php1.529 milyong utang, habang si Rico M. Masaglang ng Barangay Malalag Tubig, Santa Maria, Davao Occidental ay nakalaya sa kanyang Php1.588 milyon na utang.

Nagresulta ang pagpapatawad ng mga utang nang ang DAR kasama si Senator Imee Marcos ay nanguna sa pamamahagi ng 2,501 Certificate of Condonation with Release of mortgage (COCROM) sa 2,207 ARBs mula Davao City, Davao del Sur, at Davao Occidental na nag-alis sa kanila ng kolektibong pautang na nagkakahalaga ng ₱150.409 milyon na sumasaklaw sa 2,883.8478 ektarya. Ang kaganapan ay nangyari noong Miyerkules, Disyembre 11, 2024, sa Digos City Gym, Davao del Sur.

Si Moises Lidres, 63, isa sa mga nakatanggap ng COCROM mula sa Kidlawan, Davao del Sur ay nakatanggap ng kanyang Title No. 2017000276, na sumasakop sa 8,814.00 metro kwadrado na binubura ang kanyang utang na nagkakahalaga ng P112,509.45.

“Ang kondonasyong ito ay malaking tulong sa aming mga magsasaka. Hindi po ito basta papel lamang; ito po ay simbolo ng pag-asa at susi tungo sa mas magandang kinabukasan naming mga magsasaka,” aniya.

Ipinahayag ni Marcos ang kanyang pasasalamat na sa wakas ay naipamahagi na ang mga COCROM sa mga ARBs.

“Nagsimula ito noong 1972, so 52 years na nila inantay. At sa wakas, ayan, yung pangako ay naibigay na. Kasi sa kasamaang palad, matapos yung termino ng tatay ko, hindi na masyadong itinuloy yung pamimigay ng titulo, samantalang yung mga magsasaka, talagang umaasa rito,” aniya.

Mula sa kabuuang 2,501 COCCROMs, namahagi ang DAR ng 443 COCROMs sa Davao City, na sumasaklaw sa 347.4042 ektarya sa 391 ARBs na nagpapatawad sa P3.420 milyon na utang. Sa Davao Sur, 1,144 COCROMs ang inisyu, na sumasaklaw sa 1,320.4762 ektarya sa 1,045 ARBs, na nagbura sa P72.659 miyong utang. At sa Davao Occidental, 914 COCROMs ang inisyu na sumasaklaw sa 1,215.9674 ektarya sa 771 ARBs at bumura sa P57.059, milyong milyong utang.