đź“…

Manila, Philippines – Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III and Israel Ambassador Ilan Fluss held a high-level meeting on January 15, 2025, to discuss strengthening ties between the Philippines and the State of Israel. The meeting focused on fostering collaboration in agricultural innovation, rural development, and advanced farming technologies.

Secretary Estrella warmly welcomed Ambassador Fluss and highlighted the success of the Philippines’ agrarian reform program under the leadership of President Ferdinand R. Marcos Jr., emphasizing its impact on improving the lives of agrarian reform beneficiaries. Ambassador Fluss, while acknowledging the ongoing challenges faced by Israel due to the war in his country, shared the resilience of their agricultural sector and the importance of international partnerships from allies such as the United States, in securing food and medical aid for its citizens.
The discussions centered on key areas of potential collaboration, particularly in adopting Israeli technologies in irrigation methods suitable for arid regions—a critical need for many Filipino farmers. Both officials expressed enthusiasm for Precision Agriculture (PA), which Israel is renowned for. Secretary Estrella acknowledged PA’s transformative potential in Philippine farming by utilizing data technology to enhance crop yield, water usage, and resource management. Ambassador Fluss affirmed Israel’s willingness to share expertise in this area.

As part of knowledge exchange initiatives, Ambassador Fluss invited DAR officials to visit Israel for training by experts on farming, rural development, and climate change adaptation. Secretary Estrella expressed his gratitude and proposed expanding the program to include agriculture graduates supported by the DAR. This initiative aligns with DAR’s goal of empowering qualified agriculture graduates by awarding them land to encourage youth participation in farming.
“You are blessed with vast tracts of arable land. Let us help you make it abundant and uplift the lives of farmers,” Ambassador Fluss remarked.
This meeting reaffirmed the shared commitment of both nations to foster agricultural innovation and strengthen bilateral relations. The Israel Economic Mission to the Philippines, in collaboration with the Embassy of Israel in Manila, plays a crucial role in promoting trade and economic cooperation between the two countries. By connecting Filipino and Israeli businesses, the mission facilitates interactions across various industries, including agriculture, ICT, medical devices, cybersecurity, and more, paving the way for innovative solutions and shared economic progress.
Key representatives from both delegations attended the meeting. The Israeli delegation included Ambassador Ilan Fluss, Deputy Chief of Mission Ester Buzgan, Economic Officer Cara de Leoz, and Commercial Officer Darwin Ng from Israel’s Economic Mission to the Philippines. The DAR delegation comprised Secretary Conrado Estrella III, Undersecretary for Foreign-Assisted Projects Jery Palmares, Assistant Secretary for Foreign-Assisted Projects Rene Colocar, and Undersecretary for Policy, Planning, and Research Luis Meinrado Pangulayan.
Kalihim ng DAR at Ambassador ng Israel, Nagpulong para Pagtulungan ang Inobasyon at Pag-Unlad sa Agrikultura
Manila, Pilipinas – Nagkaroon ng mataas na antas na pagpupulong noong Enero 15, 2025, sa pagitan ni Kalihim Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform (DAR) at si Israeli Ambassador Ilan Fluss upang talakayin ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at ng Estado ng Israel. Ang pulong ay nakatuon sa pagtutulungan sa inobasyon sa agrikultura, pagpapa-unlad ng kanayunan, at mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka.
Malugod na tinanggap ni Kalihim Estrella si Ambassador Fluss at binigyang-diin ang tagumpay ng program sa repormang agraryo ng Pilipinas sa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagbigay ng malaking benepisyo sa mga agrarian reform beneficiaries. Ibinahagi naman ni Ambassador Fluss ang mga hamon na kinakaharap ng Israel dahil sa digmaan sa kanilang bansa at ibinahagi ang katatagan ng kanilang sektor ng agrikultura, pati na rin ang kahalagahan ng mga pandaigdigang pakikipagtulungan mula sa mga kaalyado tulad ng Estados Unidos sa pagbibigay ng pagkain at tulong medical para sa kanilang mga mamamayan.
Napag-usapan ang mga pangunahing larangan ng posibleng kolaborasyon, particular sa paggamit ng teknolohiyang Israel sa mga pamamaraan ng irigasyon na angkop sa mga tuyong lugar, na isang mahalagang pangangailangan para sa maraming magsasakang Pilipino. Kapwa nagpahayag ang dalawang opisyal ng kanilang interes sa Precision Agriculture (PA), isang larangan kung saan kilala ang Israel. Kinilala ni Kalihim Estrella ang potensyal ng PA na baguhin ang mga pamamaraan ng pagsasaka sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit ng datos ng teknolohiya upang mapahusay ang ani, paggamit ng tubig, at pamamahala ng mga likas na yaman. Binanggit ni Ambassador Fluss ang kahandaan ng Israel na ibahagi ang kanilang kaalaman sa larangang ito.
Bilang bahagi ng pagpapalitan ng kaalaman, inanyayahan ni Ambassador Fluss ang mga opisyal ng DAR na bumisita sa Israel upang sumailalim sa pagsasanay ng mga eksperto sa pagsasaka, pagpapaunlad ng kanayunan, at pagbabago ng klima. Nagpahayag ng pasasalamat si Kalihim Estrella at iminungkahi ang pagpapalawak ng programa upang maisama ang mga nagtapos sa agrikultura na tinulungan ng DAR. Tugma ito sa layunin ng DAR na hikayatin ang kabataan na lumahok sa agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupa sa mga kwalipikadong nagtapos.
“Pinagpala kayo ng malalawak na lupang sakahan. Hayaan ninyong tulungan naming kayong gawing masagan ito at mai-angat ang kabuhayan ng mga magsasaka,” pahayag ni Ambassador Fluss.
Pinagtibay ng pulong na ito ang sama-samang hangarin ng dalawang bansa na isulong ang inobasyon sa agrikultura at palakasin ang ugnayang bilateral. Ang Israel Economic Mission to the Philippines, sa pakikipagtulungan sa Embahada ng Israel sa Maynila, ay may mahalagang papel sa pagpapalaganap ng kalakalan at kooperasyong pang-ekonomiya sa pagitan ng dalawang bansa. Sa pamamagitan ng pagkonekta ng mga negosyong Pilipino at Israeli, naitataguyod ang interaksyon sa iba’t ibang industriya, kabilang ang agrikultura, ICT, medikal na kagamitan, cybersecurity, at iba pa, na nagbubukas ng daan para sa makabagong solusyon at pinagsasaluhang pag-unlad ng ekonomiya.
Dumalo rin sa pulong ang mga pangunahing kinatawan mula sa magkabilang panig. Kabilang sa delegasyon ng Israel sina Ambassador Ilan Fluss, Deputy Chief of Mission Ester Buzgan, Economic Officer Cara de Leoz, at Commercial Officer Darwin Ng mula sa Economic Mission ng Israel sa Pilipinas. Kabilang naman sa delegasyon ng DAR sina Kalihim Conrado Estrella III, Undersecretary para sa Foreign-Assisted Projects Jery Palmares, Assistant Secretary para sa Foreign-Assisted Projects Rene Colocar, at Undersecretary para sa Policy, Planning, and Research Luis Meinrado Pangulayan.