📅

Ang pamamahagi ng mga electronic land titles and Farm Machineries and Equipment (FMEs) sa ARBs at ARBOs sa La Trinidad, Benguet upang bigyang kapangyarihan ang mga lokal na magsasaka at mapahusay ang produktibidad sa agrikultura sa lalawigan.

La Trinidad, Benguet – Patuloy ang suporta ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ng Benguet sa pamamagitan ng pamamahagi ng 156 na electronic land titles (E-Titles) at ₱2 milyon halaga ng Farm Machineries and Equipment (FMEs) upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at seguridad sa lupa.

Ang mga titulo, na may kabuuang 72.98 ektarya, ay ipinagkaloob sa mga benepisyaryo mula sa walong bayan: Atok, Bakun, Bokod, Kapangan, Kibungan, Sablan, Tuba, at Tublay, sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.

Isa sa mga benepisyaryo, si Clinton Kigues ng Atok, ay masayang nagpasalamat: “Daytoy e-title ket ebidensya nga bagi mi daytoy a daga, awan ti makatakaw.” (“Ang e-title na ito ay patunay na amin na talaga ang lupang ito, at walang makakaagaw.”)

Ang pamamahagi ng mga electronic land titles and Farm Machineries and Equipment (FMEs) sa ARBs at ARBOs sa La Trinidad, Benguet upang bigyang kapangyarihan ang mga lokal na magsasaka at mapahusay ang produktibidad sa agrikultura sa lalawigan.

Nagpasalamat si Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Lailani A. Cortez sa suporta ng pamahalaang panlalawigan at sa mga katuwang na ahensya. Hinikayat niya ang mga benepisyaryo na samantalahin ang oportunidad. “Sama-sama at tulong-tulong tayo sa Bagong Pilipinas,” aniya.

Ang pamamahagi ay sinundad ng pagkakaloob ng ₱1.7 milyong halaga ng Farm Machineries and Equipment (FMEs) at ₱389,000 kagamitang pangsaka sa pitong (7) ARB Organizations (ARBOs), kabilang ang:

Kibungan Arabica Coffee Growers Multipurpose Cooperative (KACGMPC); Kapangdanan Bacaoag Agrarian Beneficiaries Farmers Association (KABABFA); Bakun Farmers and Employees Multipurpose Cooperative (BFEMPC); Central Poblacion Atok Multipurpose Cooperative (CPAMPC); Indigenous Peoples Farmers of Agpay Association (IPFAA) Barangay Banengbeng Bagsakan Consumer Cooperative (BBBCC); and Topdac Multipurpose Cooperative (TPMC).

Ang pamamahagi ng mga electronic land titles and Farm Machineries and Equipment (FMEs) sa ARBs at ARBOs sa La Trinidad, Benguet upang bigyang kapangyarihan ang mga lokal na magsasaka at mapahusay ang produktibidad sa agrikultura sa lalawigan.

Kabilang sa ipinamahagi sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP) ang sugarcane juicers, grass cutters, coffee depulpers, power tillers, water pumps, greenhouses with hydroponics systems, coffee nurseries, at pataba para sa mas matatag na pagsasaka sa panahon ng pabagu-bagong klima.

Sa bayan ng Kibungan, mahigit 300 magsasaka ang makikinabang sa mga kagamitan. Ayon kay Richard Acdang, tagapangulo ng KACGMPC, “Daytoy naited nga equipment ket makatulong ti farmers tayo. Sapay kuma ta agtultuloy daytoy nga programa.” (“Malaking tulong sa aming mga magsasaka ang mga naipamigay na kagamitan. Sana ay magtuloy-tuloy pa ang ganitong programa.”)

Lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang DAR at mga kinatawan ng ARBOs upang maging opisyal ang pagkakaloob ng FMEs. Nagpaalala si Atty. Estrellita Briones, Regional Agrarian Reform Adjudicator sa mga magsasaka na suriin ang kanilang mga titulo at iparehistro ito sa kanilang mga munisipyo. Hinimok niya ang mga benepisyaryo na pangalagaan at paunlarin ang lupa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya at komunidad.

Ang pamamahagi ng mga titulo at FMEs ay bahagi ng patuloy na misyon ng DAR na bigyang kapangyarihan ang mga magsasakang Pilipino—hindi lang bilang may-ari ng lupa kundi bilang masagana, ligtas, at matatag na tagapagbigay ng pagkain para sa bansa. (By: Resurreccion Arcaina)