đź“…

The Department of Agrarian Reform (DAR) is expanding its youth engagement initiatives nationwide, encouraging young Filipinos to take an active role in agrarian reform and agricultural development. Through a series of Stakeholders’ Engagement with the Youth events, DAR is promoting the Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (Project SPLIT) while inspiring the next generation to pursue careers in agriculture.
Interactive forums have been successfully conducted in Regions II, IX, and the Cordillera Administrative Region (CAR), reaching students from universities and schools in Cagayan, the Zamboanga Peninsula and Abra. These sessions provide young leaders with a deeper understanding of land reform policies, individual land titling, and its impact on rural communities.

“Naniniwala ako na kayong kabataan ang may taglay na sapat na lakas, kaisipan, katalinuhan at kakayahan upang sumabay at tuluyan pang isulong ang makabagong teknolohiya. Huwag mag-alala dahil narito kami sa DAR na laging malalapitan, handang gumabay at tumulong sa inyo,” DAR Secretary Conrado M. Estrella said.
Engaging Schools and Universities
In Cagayan, DAR Region II partnered with Cagayan State University-Carig Campus, to involve its programs to Development Communication and Mass Communication. A key highlight was the launch of PelikulAgraryo 2025, a short film competition that encourages students to tell the stories of agrarian reform beneficiaries (ARBs).

In the Zamboanga Peninsula, DAR Region IX hosted forums in five (5) major universities, including Western Mindanao State University (WMSU), Ateneo de Zamboanga University (AdZU), Zamboanga Peninsula Polytechnic State University (ZPPSU), Pagadian City International College (PCIC) and Jose Rizal Memorial State University. Discussions focused on Project SPLIT’s role in securing farmers’ land ownership, boosting productivity, and driving economic growth.
In Abra, DAR-CAR reached over 200 students at the University of Abra and Northern Abra National High School. Aside from agrarian reform discussions, DAR introduced the DAR Scholarship Program for ARB Dependents (DSP-DARBs), which supports students pursuing agriculture-related degrees.
A Nationwide Effort
The Stakeholders’ Engagement with the Youth program will be rolled out across 15 regions nationwide. Through these efforts, DAR is ensuring that the next generation understands the importance of agrarian reform in building a stronger, more sustainable agricultural sector. (By: Sheen Claudette Paz)
DAR, Pinalalakas ang Pakikilahok ng Kabataan sa Buong Bansa Para sa Repormang Agraryo
Pinalalawak ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga programa nito para hikayatin ang kabataang Pilipino na aktibong makilahok sa repormang agraryo at sa pagpapaunlad ng agrikultura. Sa pamamagitan ng Stakeholders’ Engagement with the Youth, ipinapakilala ng DAR ang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (Project SPLIT) upang hikayatin ang susunod na henerasyon na tuklasin ang mga oportunidad sa agrikultura.
Matagumpay nang naidaos ang mga forum at talakayan sa Regions II, IX, at Cordillera Administrative Region (CAR), na umabot sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad at paaralan sa Cagayan, Zamboanga Peninsula, at Abra. Sa mga sesyon na ito, mas naunawaan ng mga kabataan ang mga patakaran sa repormang agraryo, ang kahalagahan ng pagmamay-ari ng sariling lupa, at ang epekto nito sa mga pamayanan sa kanayunan.
“Naniniwala ako na kayong kabataan ang may taglay na sapat na lakas, kaisipan, katalinuhan at kakayahan upang sumabay at tuluyan pang isulong ang makabagong teknolohiya. Huwag mag-alala dahil narito kami sa DAR na laging malalapitan, handang gumabay at tumulong sa inyo,” pahayag ni DAR Secretary Conrado M. Estrella.
Pakikipag-ugnayan sa mga Paaralan at Unibersidad
Sa Cagayan, nakipagtulungan ang DAR Region II sa Cagayan State University-Carig Campus upang ipakilala sa mga mag-aaral ng Development Communication at Mass Communication ang mga programa ng DAR. Isa sa mga tampok na gawain ay ang paglulunsad ng PelikulAgraryo 2025, isang patimpalak sa paggawa ng maikling pelikula na magpapakita ng mga kwento ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
Sa Zamboanga Peninsula, nagsagawa ang DAR Region IX ng mga forum sa limang (5) pangunahing unibersidad, kabilang ang Western Mindanao State University (WMSU), Ateneo de Zamboanga University (AdZU), Zamboanga Peninsula Polytechnic State University (ZPPSU), Pagadian City International College (PCIC), at Jose Rizal Memorial State University. Tinalakay dito ang papel ng Project SPLIT sa pagbibigay ng seguridad sa pagmamay-ari ng lupa ng mga magsasaka, pagpapalakas ng produksyon, at pagpapaunlad ng ekonomiya.
Sa Abra, umabot sa mahigit 200 mag-aaral mula sa University of Abra at Northern Abra National High School ang nakilahok sa programa ng DAR-CAR. Bukod sa repormang agraryo, ipinakilala rin ng DAR ang DAR Scholarship Program for ARB Dependents (DSP-DARBs) upang suportahan ang mga estudyanteng nais kumuha ng kursong may kinalaman sa agrikultura.
Isang Pambansang Inisyatibo
Magpapatuloy ang Stakeholders’ Engagement with the Youth sa 15 rehiyon sa buong bansa. Sa pamamagitan ng programang ito, sinisigurado ng DAR na mas maiintindihan ng kabataan ang kahalagahan ng repormang agraryo sa pagbuo ng mas matatag at mas progresibong sektor ng agrikultura.