📅

Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) in Davao del Sur and Antique are set to gain greater economic opportunities following the recent turnover of Farm-to-Market Roads (FMRs) by the Department of Agrarian Reform (DAR).
In Davao del Sur, DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Jupiter S. Arandela, Jr. and DAR Project Management Service OIC-Director IV Von Mark R. Mendoza led the inauguration of a P29.85-million FMR in Sitio Curvada, Barangay Latian, Kiblawan. The project, completed in partnership with the Kiblwan municipal government, was met with excitement from local farmers and residents, who long-awaited improved transportation for their agricultural products.

“The completion of this road underscores DAR’s commitment to empowering ARBs by providing better access to markets, reducing transportation costs, and improving the overall income potential,” Arandela said.
In San Remigio, DAR-Western Visayas Assistant Regional Director Antique, Anthony P. Arostique turned over the 1.389-kilometer rehabilitated Tubudan-Nagbangi FMR to the Lantao Agrarian Reform Community (ARC).

Funded by the Agrarian Reform Fund (ARF), the P15-million project benefits 3,120 farmers—including 578 ARBs and 2,542 non-ARBs—across Barangays Tubudan and Nagbangi I. The improved road ensures faster and safer transport of goods, lower logistics costs, and greater access to essential services.
San Remigio Mayor Margarito C. Mission, Jr., Coop-NATCCO Party-list Representative Felimon Espares, and other local leaders witnessed the turnover ceremony. Arostique urged farmers to maintain the road properly and called on the local government to support its upkeep for long-term benefits.
The DAR continues to implement infrastructure and support services to strengthen ARCs. Aside from farm-to-market roads, the agency is also building and rehabilitating bridges, warehouses, solar drying pavements, and communal irrigation systems while providing modern farm technology and livelihood programs to help ARBs increase productivity and improve their quality of life. (By: Sheen Claudette Paz-Leyco with contributions from DAR Davao del Sur and Antique)
DAR Nagkaloob ng Farm-to-Market Roads sa Davao del Sur at Antique Para Mapalago ang Kabuhayan ng mga ARB
Nakatakdang mapabuti ang oportunidad sa ekonomiya ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Davao del Sur at Antique kasunod ng turnover ng Farm-to-Market Roads (FMRs) ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Sa Davao del Sur, pinangunahan nina DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Jupiter S. Arandela, Jr. at DAR Project Management Service OIC-Director IV Von Mark R. Mendoza ang inagurasyon ng P29.85-million FMR sa Sitio Curvada, Barangay Latian, Kiblawan. Ang proyekto, na natapos sa pakikipagtulungan sa Kiblwan municipal government, ay sinalubong ng pananabik ng mga lokal na magsasaka at residente, na matagal nang naghihintay ng mas maayos na transportasyon para sa kanilang mga produktong agrikultural.
Binigyang-diin ni Arandela na ang pagkumpleto ng kalsada ay ang pangako ng DAR na bigyang kapangyarihan ang mga ARB sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mas mahusay na access sa mga pamilihan, mas murang transportasyon, at pagpapabuti ng pangkalahatang potensyal na kita.
Sa San Remigio, ipinagkaloob ni DAR-Western Visayas Assistant Regional Director Antique, Anthony P. Arostique ang 1.389-kilometrong rehabilitasyon na Tubudan-Nagbangi FMR sa Lantao Agrarian Reform Community (ARC).
Pinondohan ng Agrarian Reform Fund (ARF) ang P15-milyong proyekto na pakikinabangan ng 3,120 magsasaka—kabilang ang 578 ARB at 2,542 na hindi ARB—sa Barangay Tubudan at Nagbangi I.
Sinaksihan ni San Remigio Mayor Margarito C. Mission, Jr., Coop-NATCCO Party-list Representative Felimon Espares, at iba pang lokal na lider ang turnover ceremony. Hinimok ni Arostique ang mga magsasaka at lokal na pamahalaan na alagaan ng maayos ang kalsada para sa pangmatagalang benepisyo.
Ang DAR ay patuloy na nagpapatupad ng mga imprastraktura at suportang serbisyo upang palakasin ang mga ARC. Bukod sa farm-to-market roads, ang ahensya ay nagpapatayo at nag-aayos ng mga tulay, bodega, solar drying pavement, at communal irrigation system habang nagbibigay ng modernong teknolohiya sa pagsasaka at mga programang pangkabuhayan upang matulungan ang mga ARB na mapataas ang produksyon at mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay.