đź“…

Rice farmers from Balsik Hermosa Agrarian Reform Beneficiaries Association Inc. attend DAR’s Training on Major Crop-Based Block Farming, learning modern and climate-resilient techniques to enhance productivity and sustainability.

Bataan – As part of its Climate Resilient Farm Productivity Support Program, the Department of Agrarian Reform (DAR) trained Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) of Hermosa, Bataan on Major Crop-Based Block Farming to help them adopt modern, climate-resilient techniques to boost their farm productivity and income.

A total of 72 rice farmers from the Balsik Hermosa Agrarian Reform Beneficiaries Association Inc. took part in the training, which also included the completion of the Farm Business School (FBS) program. Through FBS, farmers are equipped with practical skills in farm management and agri-entrepreneurship, preparing them to run their farms as sustainable businesses.

Rice farmers from Balsik Hermosa Agrarian Reform Beneficiaries Association Inc. attend DAR’s Training on Major Crop-Based Block Farming, learning modern and climate-resilient techniques to enhance productivity and sustainability.

Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Emmanuel G. Aguinaldo emphasized the benefits of crop-based block farming, a strategy that groups small farms into larger, jointly managed plots to improve efficiency and increase yields. “By consolidating resources, sharing best practices and improving productivity, farmers can raise their incomes and build better livelihoods,” Aguinaldo said.

He also highlighted DAR’s continued support for ARBs, including the delivery of essential Farm Machineries and Equipment (FMEs) under the Sustainable Livelihood Support for Disaster-Affected Areas Program. These include a tractor, generator, water pump, grass cutter, power sprayers and a chainsaw—all of which have helped boost rice production in the area.

This year, DAR will provide even more support with the delivery of a four-wheel-drive tractor equipped with a rotary tiller, disc plow and trailer to further enhance the association’s farming operations.

The training underscores DAR’s commitment to empowering farmers through capacity development, FMEs and agricultural support. By helping ARBs adapt to climate change and improve farm productivity, DAR continues to strengthen local food security and rural development. (By: Pinky Roque)

DAR, Itinataas ang Kabuhayan ng mga ARB sa Bataan sa Pamamagitan ng Climate-Resilient Block Farming Training

Bataan – Bilang bahagi ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program, nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng pagsasanay para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ng Hermosa, Bataan tungkol sa Major Crop-Based Block Farming. Layunin nito na maturuan ang mga magsasaka ng makabago at mga teknolohiyang handa sa klima upang mapataas ang ani at kita sa kanilang sakahan.

May kabuuang 72 magsasaka ng palay mula sa Balsik Hermosa Agrarian Reform Beneficiaries Association Inc. ang lumahok sa pagsasanay. Kasama rin dito ang pagtatapos nila sa Farm Business School (FBS), kung saan natutunan nila ang tamang pamamahala sa sakahan at kung paano gawing negosyo ang pagsasaka.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Emmanuel G. Aguinaldo, malaki ang benepisyo ng block farming, isang estratehiyang pinagsasama-sama ang maliliit na bukirin upang sabay-sabay itong pamahalaan. “Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagbabahagi ng kaalaman at pagsasanay, mas mapapabuti ang ani at kita ng mga magsasaka,” ani Aguinaldo.

Binanggit din niya ang patuloy na suporta ng DAR sa ARBs, kabilang na ang pamamahagi ng mga makinaryang pansakahan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Support for Disaster-Affected Areas Program. Ilan sa mga naipamahagi na ay traktora, generator, water pump, grass cutter, power sprayer at chainsaw na malaki ang naitulong sa kanilang produksyon ng palay.

Ngayong taon, makatatanggap pa ang asosasyon ng mas modernong kagamitan, kabilang ang isang four-wheel-drive tractor na may kasamang rotary tiller, disc plow at trailer para lalo pang mapabuti ang kanilang pagsasaka.

Ang pagsasanay na ito ay patunay ng patuloy na suporta ng DAR sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman, makinarya, at tulong pansakahan. Sa pagtulong sa mga ARB na makasabay sa hamon ng pagbabago ng klima at mapataas ang kanilang ani, patuloy na pinapalakas ng DAR ang seguridad sa pagkain at kaunlaran sa kanayunan.