LEGAZPI CITY—Agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) in Albay generated total sales of Php 350,000 during the four-day Saod AlbayAni Trade Fair 2024 held at Ayala Malls Legazpi City.
The event provided a platform for nine ARBOs, supported by the Department of Agrarian Reform (DAR), to showcase a diverse range of locally-produced goods, from pili nut candies and peanut butter to homemade cookies, muscovado sugar, longganisa, and assorted fruits and vegetables.
The participating ARBOs, including Tiwi Food Processors Association, Inc. (TFPASSI), Salvacion Farm Workers and Weavers Association (SFWWA), Association of Women and Men of Gabawan (AWMG), and Sa Agrarian Reform Iriba Gabos sa Kauswagan (SARIGAN) MPC, among others, represent the rich agricultural heritage of Albay. Through these cooperatives, local farmers can to bring their products to a wider audience, fostering a greater appreciation for their hard work and ingenuity.
The trade fair, organized by the Department of Trade and Industry (DTI) Albay Provincial Office, featured more than 16 exhibitors from across the province. In addition to the ARBOs, the event highlighted a range of other Albayano craftsmanship, with products made from pili, coconut, abaca, and other locally sourced materials. The fair has become a key venue for supporting local farmers and artisans, promoting sustainable economic development in the region.
In her statement, Provincial Agrarian Reform Program Officer Maria Eugenia M. Alteza emphasized the importance of such initiatives in bolstering the economic stability of ARBOs in Albay. “We promise to leverage sustainability and ensure that Albayano products reach their full potential, and are recognized across global markets,” she said.
Apart from boosting sales, the trade fair also opened doors for networking opportunities among the farmers and potential buyers. Jobel Parado-Abo, a member of SAMPI, expressed her gratitude for the opportunity to participate in the event. “It’s inspiring to see the support for us farmers. Because of this, we are motivated to further improve our farming practices,’ she shared, highlighting how events like these encourage farmers to continue innovating and enhancing their farming methods.”
The Saod AlbayAni Trade Fair 2024 stands as a testament to the growing strength of Albay’s agricultural sector, showcasing the potential of ARBOs to thrive in both local and international markets.
Lokal na Magsasaka Mula sa Albay Kumita ng P350K Trade Fair
LEGAZPI CITY—Kumita ng Php 350,000 ang mga organisasyon ng mga agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) sa Albay sa loob ng apat na araw ng Saod AlbayAni Trade Fair 2024 na ginanap sa Ayala Malls Legazpi City.
Ang nasabing kaganapan ay nagsilbing plataporma para sa siyam na ARBOs, na sinusuportahan ng Department of Agrarian Reform (DAR), upang ipakita ang sari-saring produktong lokal gaya ng pili nut candies, peanut butter, homemade cookies, muscovado sugar, longganisa, at iba’t ibang prutas at gulay.
Ang mga ARBOs na lumahok, kabilang ang Tiwi Food Processors Association, Inc. (TFPASSI), Salvacion Farm Workers and Weavers Association (SFWWA), Association of Women and Men of Gabawan (AWMG), at sa Agrarian Reform Iriba Gabos sa Kauswagan (SARIGAN) MPC, ay kumakatawan sa mayamang pamana ng agrikultura sa Albay. Sa pamamagitan ng mga kooperatibang ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lokal na magsasaka na ilapit ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado, at higit pang pahalagahan ang kanilang kasipagan at likha.
Ang trade fair, na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) Albay Provincial Office, ay nagpakilala ng higit sa 16 na exhibitors mula sa iba’t ibang bahagi ng probinsya. Bukod sa mga ARBOs, ipinakita rin ang iba pang produktong gawa ng mga Albayano tulad ng mga gamit mula sa pili, niyog, abaca, at iba pang likas na materyales. Ang trade fair ay naging mahalagang venue para suportahan ang mga lokal na magsasaka at artisan, habang isinusulong ang pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Provincial Agrarian Reform Program Officer Maria Eugenia M. Alteza ang kahalagahan ng mga ganitong aktibidad sa pagpapatibay ng pang-ekonomiyang katatagan ng mga ARBOs sa Albay. “Ipinapangako namin na isusulong ang pagpapanatili at titiyakin na ang mga produktong Albayano ay maabot ang kanilang buong potensyal at makilala sa pandaigdigang merkado,” ani niya.
Bukod sa pagpapalakas ng benta, ang trade fair ay nagbigay din ng mga pagkakataon para sa networking sa pagitan ng mga magsasaka at mga potensyal na mamimili. Nagpahayag ng pasasalamat si Jobel Parado-Abo, miyembro ng SAMPI, para sa pagkakataong makibahagi sa kaganapan. “Nakaka-inspire po na makita ang suporta para sa aming mga magsasaka. Dahil po dito, nabigyan kami ng motibasyon para mas pagbutihin pa ang pagsasaka,” ani niya, na nagbibigay-diin kung paanong ang mga ganitong kaganapan ay nakakatulong sa mga magsasaka na patuloy na mag-innovate at paunlarin ang kanilang mga pamamaraan sa pagsasaka.
Ang Saod AlbayAni Trade Fair 2024 ay patunay sa lumalakas na sektor ng agrikultura sa Albay, na ipinapakita ang potensyal ng mga ARBOs na umunlad sa parehong lokal at pandaigdigang merkado.