📅
Seventeen (17) out of the 18 newly appointed Provincial Agrarian Reform Coordinating Committee (PARCCOM) Chairpersons took their oath of office before Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary and Presidential Agrarian Reform Council (PARC) Vice-Chairperson Conrado M. Estrella III to serve as the coordination and monitoring arm in implementing the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at the field levels.
Estrella congratulated the new CARP leaders as they embarked on their essential roles in advancing agrarian reform and supporting rural communities.
“I hope that you perform your tasks to help us at DAR, particularly in alleviating poverty and improving the lives of our beneficiaries in the rural communities,” Estrella said.
PARCCOM is a multi-sectoral body representing the PARC, chaired by the President of the Philippines.
It is the provincial counterpart of the PARC Executive Committee (ExCom) and the partner of the PARC Secretariat as created under Section 44 of Republic Act No. 6657 or the CARP law. They regularly meet to deliberate problems and issues concerning agrarian reform and formulate necessary legislation and policies for recommendation to the PARC.
PARCCOM members are composed of representatives from sectors of landowners, farmer-beneficiaries, farmers’ organizations, cooperatives, indigenous peoples, and non-governmental organizations. Its members also consist of one representative each from the Departments of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, and the Land Bank of the Philippines.
PARCCOM is tasked with coordinating and monitoring the programs and activities implemented by the agrarian reform program implementing agencies at the field level. They are required to provide information on the provisions of the CARP guidelines issued by the PARC and on the progress of the program in the province.
Bagong PARCCOM Chairperson nanumpa sa tungkulin
📅
Labing pito (17) sa 18 bagong itinalagang Provincial Agrarian Reform Coordinating Committee (PARCCOM) Chairpersons ang nanumpa sa tungkulin sa harap ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary at Presidential Agrarian Reform Council (PARC) Vice-Chairperson Conrado M. Estrella III upang magsilbi sa koordinasyon at monitoring sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga kanayunan.
Binati ni Estrella ang mga bagong pinuno ng CARP sa pagsisimula nila sa kanilang mahahalagang tungkulin sa pagsusulong ng repormang agraryo at pagsuporta sa mga komunidad sa kanayunan.
“Sana ay gampanan ninyo ang inyong mga tungkulin upang matulungan kami sa DAR, partikular na sa paglaban sa kahirapan at pagpapabuti ng buhay ng ating mga benepisyaryo sa mga komunidad sa kanayunan,” ani Estrella.
Ang PARCCOM ay isang multi-sectoral body na kumakatawan sa PARC, na pinamumunuan ng Pangulo ng Pilipinas.
Ito ang panglalawigang katapat ng PARC Executive Committee (ExCom) at ang mga kablikat ng PARC Secretariat na nilikha sa ilalim ng Section 44 ng Republic Act No. 6657 o ang CARP law. Regular silang nagpupulong para pag-usapan ang mga problema at isyu tungkol sa repormang agraryo at bumuo ng mga kinakailangang batas at patakaran para sa rekomendasyon sa PARC.
Ang mga miyembro ng PARCCOM ay binubuo ng mga kinatawan mula sa mga sektor ng mga may-ari ng lupa, mga magsasakang benepisyaryo, mga organisasyon ng mga magsasaka, mga kooperatiba, mga katutubo, at mga non-government organizations. Ang mga miyembro nito ay binubuo rin ng tig-iisang kinatawan mula sa Departments of Agriculture, Environment and Natural Resources, at Land Bank of the Philippines.
Ang PARCCOM ay may tungkulin sa koordinasyon at pagsubaybay sa mga programa at aktibidad na ipinatutupad ng mga ahensyang nagpapatupad ng programa sa repormang agraryo sa kanayuan. Sila ay inaatasang magkaloob ng impormasyon sa mga probisyon ng mga alituntunin ng CARP na inilabas ng PARC at sa pagsulong ng programa sa lalawigan.