📅

File Photo of DAR and ARBOs marketing partnerships with various government agencies and private institutions under the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP).

THE promise of the land reform program is slowly but steadily coming to fruition as participating agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) have sold more than P3 billion worth of agricultural produce to various government agencies and private institutions under the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) in six years.

Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III said “The collaboration between our ARBOs on the one hand and the government agencies and private institutions on the other is vital in spurring rural development.”

“Little by little, we are seeing our ARBOs coming on their own. It goes to show when everybody puts their acts together, we can make things happen,” he added.

File Photo of DAR and ARBOs marketing partnerships with various government agencies and private institutions under the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP).

Estrella also said that putting all hands on deck makes a big difference in the fight against hunger and poverty in the countryside as it turns a seemingly impossible task quite easy and doable as in freeing agrarian reform beneficiaries from the claws of unscrupulous traders who are buying their produce at very low prices.

Estrella said the grossly unfair trading practices result to the traders becoming richer, while the farmers are getting poorer because of their inability to negotiate and demand fair prices for their produce.

The Secretary, however, said that through the EPAHP “we have been able to convince government agencies and private institutions to do their part in spurring rural development by procuring their daily basic food requirements from our ARBOs at a fair price.”

File Photo of DAR and ARBOs marketing partnerships with various government agencies and private institutions under the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP).

The DAR chief called on other government agencies and private institutions to buy their daily subsistence from different farmers’ organizations and be a part of this effort to uplift the standards of living in the countryside.

Studies show that 70 percent of the poorest of the poor are in the countryside and they are mostly farmers and fishermen.

So far, 31 government agencies and several private institutions have answered the call, with the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) becoming the ARBOs’ biggest customer.

The BJMP has completed 929 transactions in six years, resulting to the procurement of P102,396,341.89 worth of farm goods delivered to it by the participating ARBOs for the daily subsistence of persons deprived of liberty under its custody. It is 20 times the P5,900,023.43 it transacted with the ARBOs in its first year of engagement in 2020.

The Medical Mission Group, an organization of private hospitals, was the first to take the project to heart when they dealt with two ARBOs for farm goods worth P3,682,638 in 2019. The amount of transactions has risen to P25,505,627.75 in six years.

Besides the Medical Mission Group, several private institutions have stepped forward and dealt with the ARBOs 1,555 times in six years, resulting to P1,171,083,658.22 gross sales of farm goods.

P3 bilyong halagang ani ng mga ARBOs naibenta sa loob ng 6 na taon

ANG pangako ng programang repormang pansakahan ay unti-unti nang nararamdaman makaraang maibenta sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at mga pribadong institusyon ang mahigit P3 bilyong halaga ng mga ani ng mga agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) sa ilalim ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) sa loob ng anim na taon.

Sinabi ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na “ang balikatan sa pagitan ng ating mga ARBOs sa isang panig at ng mga ahensya ng pamahalaan at ng mga pribadong institusyon sa kabilang panig ay napakahalaga sa pagsulong ng kaunlaran sa kanayunan.”

“Unti-unti, kitang-kita na ang pag-unlad ng ating mga ARBOs. Ipinahahayag lamang nito na kapag ang lahat ay nagkaisa, mayroon tayong magagawang pagbabago,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Estrella na ang pagtutulungan ng lahat ay napakalaking bagay sa giyera laban sa kagutuman at kahirapan sa kanayunan dahil maging ang imposibleng gawain ay nagagawa nang walang kahirap-hirap tulad ng pagpapalaya sa mga agrarian reform beneficiaries mula sa kamay ng mga mapagsamantalang mangangalakal na bumibili ng kanilang mga produkto sa napakamurang halaga.

Ang hindi makatwirang kalakalang tulad nito ang siyang lalong nagpapayaman sa mga mangangalakal samantalang lalong naghihirap ang ating mga magsasaka dahil sa kawalan ng kakayahang humirit ng makatwirang presyo para sa kanilang mga ani.

Sa pamamagitan ng EPAHP, sinabi ng Kalihim: “nagawa nating kumbinsihin ang mga ahensya ng pamahalaan at ang mga pribadong institusyon na makibahagi sa pagpapaunlad sa kanayunan sa pamamagitan ng pagbili ng kani-kanilang mga pang-araw-araw na pagkain mula sa ating mga ARBOs sa makatwirang presyo.”

Nanawagan ang hepe ng DAR sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan at mga pribadong institusyon na bumili ng kanilang mga kakainin pang-araw-araw mula sa iba’t-ibang grupo ng mga magsasaka at maging kabahagi sa gawain sa pagpapa-angat ng kabuhayan sa kanayunan.

Sa mga pag-aaral na naisagawa, ipinahayag na 70 porsiento ng mga pinakamahirap ay nasa kanayunan na kinabibilangan ng mga magsasaka at mga mangingisda.

Sa kasalukuyan, 31 ahensya ng pamahalaan at maraming mga pribadong institusyon ang tumugon na sa panawagan, kabilang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na siyang pinakamalaking suki ng mga ARBOs.

May kabuuang 929 transaksyon na ang BJMP sa mga ARBOs na katumbas ng P P102,396,341.89 halaga ng mga produktong pang-agrikultura para sa pang-araw-araw na pagkain ng mga taong napagkaitan ng Kalayaan na nasa ilalim ng pangangalaga nito. Iyan ay 20 beses na dami sa P5,900,023.43 na nauna na nitong napamili sa mga ARBOs sa unang transaksyon noong 2020.

Ang Medical Mission Group, ang grupo ng mga pribadong ospital, ang unang humagkan sa proyektong EPAHP nang makipagtransaksyon ito sa dalawang ARBOs para sa halagang P3,682,638 produktong pang-agrikultura noon 2019. Ang halagang napamili nito ay lalo pang lumaki na umabot sa P25,505,627.75 sa loob ng anim na taon.

Bukod sa Medical Mission Group, marami pang mga pribadong istitusyon ang nakibahagi at nakipag-ugnayan nang 1,555 beses na naging daan upang makapamili sila ng P1,171,083,658.22 kabuuang halaga ng mga ani ng mga ARBOs.