POLANGUI, Albay – More than 700 farmers and residents from two barangays in Polangui are set to benefit from easier access to the town center following the inauguration of a Php 50-million farm-to-market road (FMR) in Barangay Itaran.
Provincial Agrarian Reform Program Officer Patricia T. Rastrullo of the Department of Agrarian Reform (DAR) Albay said the newly constructed FMR, funded by the Agrarian Reform Fund, will serve 203 agrarian reform beneficiaries (ARBs) and 502 other potential beneficiaries who cultivate a combined area of 302.4 hectares.
Rastrullo explained that the 2.5-kilometer concrete road connects Barangay Itaran to Sitio San Luis in Barangay Lourdes, underscoring the government’s commitment, under the leadership of President Ferdinand R. Marcos Jr. and DAR Secretary Conrado M. Estrella III, to improving the livelihoods of farmers nationwide.
“This infrastructure development brings both social and economic benefits to rural communities, facilitating easier access to essential farm inputs and reducing transport costs for support activities,” Rastrullo said.
The project was spearheaded by the local government of Polangui, led by Mayor Raymond Adrian E. Salceda who congratulated the residents of Barangay Itaran and thanked Rep. Joey Sarte Salceda of the 2nd District of Albay for his vital role in securing the project’s approval. He also expressed gratitude to the Reyes family for allowing the road to pass through their property.
Barangay Itaran Captain Nolito Barquez also shared his appreciation for both DAR and the local government.
“Thank you to everyone. We now have better access to neighboring barangays. We’ve been eagerly waiting for this to happen. We’re truly grateful,” Barquez said.
P50-M Kalsada Magpapalakas ng Koneksyon sa Mahigit 700 Magsasaka
POLANGUI, Albay – Mahigit 700 magsasaka at residente mula sa dalawang barangay sa Polangui ang makikinabang sa mas mabilis na daan papunta sa kabayanan matapos ang inagurasyon ng P50 milyong farm-to-market road (FMR) sa Barangay Itaran.
Ayon kay Patricia T. Rastrullo, Provincial Agrarian Reform Program Officer ng Department of Agrarian Reform (DAR) Albay, ang bagong gawang FMR, na pinondohan sa ilalim ng Agrarian Reform Fund, ay maglilingkod sa 203 agrarian reform beneficiaries (ARBs) at 502 pang potensyal na benepisyaryo na nagsasaka ng kabuuang 302.4 ektarya ng lupa.
Ipinaliwanag ni Rastrullo na ang 2.5-kilometrong konkretong kalsada ay nag-uugnay sa Barangay Itaran sa Sitio San Luis sa Barangay Lourdes, na nagbibigay-diin sa pangako ng pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DAR Secretary Conrado M. Estrella III, na mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka sa buong bansa.
“Ang pagpapaunlad ng imprastraktura na ito ay nagdudulot ng parehong panlipunan at pang-ekonomiyang benepisyo sa mga komunidad sa kanayunan, na nagbibigay-daan sa mas mabilis na pagkuha ng mga kinakailangang gamit para sa produksyon sa sakahan at nagpapababa ng gastusin sa transportasyon para sa mga aktibidad ng mga suporta,” ayon kay Rastrullo.
Ang proyekto ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Polangui sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Raymond Adrian E. Salceda na binati ang mga residente ng Barangay Itaran at pinasalamatan si Rep. Joey Sarte Salceda ng ikalawang Distrito ng Albay para sa mahalagang papel na ginampanan niya sa pagtiyak ng pag-apruba ng proyekto. Pinasalamatan din niya ang pamilya Reyes sa pagpahintulot na dumaan ang kalsada sa kanilang lupa.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Barangay Itaran Captain Nolito Barquez sa DAR at sa lokal na pamahalaan.
“Salamat po sa inyong lahat. Mas madali na po ang pagpunta namin sa mga karatig barangay. Matagal na po naming inaasam na mangyari ito. Maraming salamat po,” ani Barquez.