đź“…

Representatives from the DAR, VRAC, and local government of San Narciso Quezon signed a Memorandum of Agreement to promote organic farming practices in the community, help farmers adapt to climate challenges, and improve their agricultural methods.

San Narciso, Quezon – Agrarian Reform Beneficiary (ARB) members of the Villa Reyes Agriculture Cooperative (VRAC) in Quezon Province are set to benefit from a Php3.4 million initiative by the Department of Agrarian Reform (DAR) aimed at enhancing corn production through climate-smart agricultural technologies.

The initiative is under the Climate Resilient Farm Productivity Support Program (CRFPS), which will provide ARBs with training on innovative farming techniques to help improve their productivity and resilience to climate challenges.

In addition, participants will receive essential Farm Machineries and Equipment (FMEs) to optimize their yields.

Representatives from the DAR, VRAC, and local government of San Narciso Quezon signed a Memorandum of Agreement to promote organic farming practices in the community, help farmers adapt to climate challenges, and improve their agricultural methods.

Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Ma. Gemma Esguerra emphasized the significance of the project, noting that VRAC is one of only two Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) selected this year.

“Taun-taon ay dalawang (2) ARBOs ang tinatarget ng DAR-Quezon para sa proyektong ito. Sa 106 ARBOs na tinutulungan ng DAR, mapalad ang VRAC na mapili sa taong ito” she said. (Every year, DAR-Quezon targets two (2) ARBOs for this project. Out of the 106 ARBOs assisted by DAR, VRAC is fortunate to be selected this year).

Esguerra said the program integrates climate-smart agricultural technologies into corn farming, promoting food security, sustainability, and income diversification for ARBs.

Representatives from the DAR, VRAC, and local government of San Narciso Quezon signed a Memorandum of Agreement to promote organic farming practices in the community, help farmers adapt to climate challenges, and improve their agricultural methods.

PARPO Engr. Marvin Labao encouraged the ARBs to make the most of this opportunity.

“I challenge each of you to fully equip yourselves with the knowledge and skills to manage your farms independently,” Labao said.

VRAC Chairperson Renato Heleran assured full cooperation from their members.

“We are committed to actively participating and ensuring this project’s success. This initiative will bring tangible improvements to our farming practices,” Heleran said.

To further support and ensure that the ARBs have the necessary resources, DAR also provided VRAC with AMO (Ako’y Magsasakang Organiko) Fertilizers, a seaweed-based organic fertilizer that is insect repellant, promotes faster plant growth, is eco-friendly, cost-efficient, and easy to use..

This initiative is expected to create lasting improvements in the agricultural community of San Narciso, promoting sustainable farming and increasing the livelihood of ARBs. Through this program, DAR reaffirms its commitment to empowering ARBs and strengthening the agricultural sector in Quezon Province. (By: Resurreccion Arcaina)

Quezon ARBO Tumanggap ng Php3.4 M ng Climate-Smart Agricultural Technologies upang Palakasin ang Produksyon ng Mais

San Narciso, Quezon – Makikinabang ang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na kasapi ng Villa Reyes Agriculture Cooperative (VRAC) sa lalawigan ng Quezon mula sa Php3.4 milyong proyekto ng Department of Agrarian Reform (DAR) na naglalayong mapataas ang produksyon ng mais gamit ang makabagong teknolohiyang pang-agrikultura na angkop sa pagbabago ng klima.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program (CRFPS), na magkakaloob sa mga ARB ng pagsasanay ukol sa makabagong pamamaraan ng pagsasaka upang mapabuti ang ani at mapalakas ang kanilang kakayahang harapin ang hamon ng pabagu-bagong klima.

Makakatanggap din ang ARBs ng mga Farm Machineries and Equipment (FMEs) upang mapadali at mapataas ang kanilang produksyon.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Ma. Gemma Esguerra, isa lamang ang VRAC sa dalawang Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) na napili para sa proyektong ito ngayong taon.

“Taon-taon ay dalawang ARBOs ang tinatarget ng DAR-Quezon para sa proyektong ito. Sa 106 ARBOs na tinutulungan ng DAR, mapalad ang VRAC na mapili sa taong ito,” ani Esguerra.

Dagdag pa niya, layunin ng programa na gawing mas epektibo ang pagsasaka ng mais sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiyang angkop sa pagbabago ng klima, upang matiyak ang seguridad sa pagkain, mapanatili ang kalikasan, at mapalawak ang mapagkakakitaan ng mga ARBs.

Hinimok naman ni PARPO Engr. Marvin Labao ang mga ARBs na samantalahin ang pagkakataong ito.

“Hinihikayat ko kayong hasain at gamitin ang inyong natutunan upang malaya ninyong mapamahalaan ang inyong mga sakahan,” ani Labao.

Samantala, tiniyak ni VRAC Chairperson Renato Heleran ang kanilang buong suporta sa proyekto.

“Buong puso naming susuportahan at aktibong lalahukan ang proyektong ito. Sisiguraduhin naming magdadala ito ng positibong pagbabago sa aming paraan ng pagsasaka,” ani Heleran.

Upang higit pang suportahan at matiyak na ang mga ARB ay may mga kinakailangang kagamitan, nagbigay din ang DAR sa VRAC ng AMO (Ako’y Magsasakang Organiko) Fertilizers, isang seaweed-based na organic fertilizer na panlaban sa insekto, nagtataguyod ng mas mabilis na paglaki ng halaman, ligtas sa kapaligiran, mura, at madaling gamitin.

Inaasahang magdudulot ng pangmatagalang benepisyo ang inisyatibong ito sa mga ARB ng San Narciso, habang isinusulong ang pag-unlad ng pagsasaka at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga ARBs. Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na pinapalakas ng DAR ang sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Quezon at ang pagsuporta sa mga magsasaka.