Pinangunahan ni Department of Agrarian Reform (DAR) Cagayan Valley Regional Director (RD) Primo C. Lara ang paglalahad ng mga napagtagumpayan, proyekto, programa, at mga plano ng ahensya sa Rehiyon Dos sa naganap na “Kapihan sa Bagong Pilipinas” noong Hunyo 25, 2024, sa Philippine Information Agency (PIA) Region 2 Studio, Carig, Tuguegarao City.

Ang “Kapihan sa Bagong Pilipinas” ay alinsunod sa mga direktiba ni PBBM para sa mga pulong ng mga ahensya ng gobyerno sa antas ng rehiyon upang ibahagi ang kani-kanilang mga nagawa at mga plano sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, na siya namang inoorganisa ng Presidential Communications Office (PCO) sa tulong ng PIA na ipinalalabas sa iba’t ibang multi-media platforms.

Kasama sa unang pangkat ng “Kapihan sa Bagong Pilipinas” series ang Department of Public Works and Highways, Department of Transportation, Department of Social Work and Development, Department of Agriculture, Department of Health, at Department of Agrarian Reform.

Marahil dito, inilahad ni RD Lara ang ilan sa mga programa, aktibidad, at proyekto (PAPs) ng DAR RO2 mula sa iba’t ibang sektor nito sa ilalim ng administrasyong Bongbong Marcos.

Mula sa Support to Operations Division (STOD), ibinahagi ni RD Lara ang ISO 9001:2015 QMS Recertification at deliberasyon ng mga bakanteng posisyon sa rehiyon.

Ibinida rin ni RD Lara ang pagsasagawa ng Zero Backlog Policy at pagiging Zero Backlog Compliant ng Agrarian Justice Delivery Program (ADJP) at DAR Adjudication Board (DARAB), kasama ang pagpapatupad ng Alternative Dispute Resolution (ADR) at Agrarian Reform Justice on Wheels (ARJOW). Inanunsyo rin nito ang nalalapit na paglunsad ng Abogado ti Mannalon kasama ang iba pang mga ahensya.

Inilahad naman ni RD Lara ang ilang Regional Mass Distribution ng EPs/CLOAs at E-Titles sa ilalim ng Land Tenure Security Program (LTSP) at Project Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) na nakapagbahagi na ng 4,441 titles na may lawak na 5,610 hectares ng lupa sa 3,712 ARBs. Ilulunsad din ang DAR-to-DOOR sa hinaharap na may layuning dalhin ang mga titulo sa pintuan ng mga matatandang benepisyaryo.

Ipinaliwanag naman ni RD Lara ang pamamahagi ng Farm Machineries Equipment (FMEs) at Farm-to-Market Roads (FMRs) sa ilalim ng Agrarian Reform Beneficiaries Development and Sustainability Program (ARBDSP). Sa ngayon ay mayroon ng 34 FMRs na naipamahagi sa rehiyon at mayroon ding mga Bridge Projects katulad ng Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-Agraryo (TPKP) at Pang-Agrayong Tulay para sa Bagong Bayanihan ng mga Magsasaka (PBBM). Nakapagbahagi rin ang rehiyon ng mga pangangailangang pansakahan tulad ng Communal Irrigation Systems, Rain Collectors, Solar Systems, Fertilizers at marami pa sa iba’t ibang probinsya nito.

Ito ang ilan sa mga programa, aktibidad, at proyekto ng DAR Rehiyon 2 kamakailan. Patuloy pa rin ang pagpapatupad sa mga ito kasama ng iba pang mga ahensya ng gobyerno para sa mga ka-agraryo, katulad ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty o EPAHP kaugnay ang DOH, DepEd, BJMP, NNC, at DSWD.

Ang talakayan ay dinaluhan ng DAR Regional Office 02 (DAR R02) employees at PIA Region 2 sa pamumuno ni Regional Director Angely Lubo-Mercado. Si PIA Assistant Regional Director Oliver Baccay ang nagsilbing moderator sa nasabing aktibidad.

Samantala, dumalo rin ang ilang media partners mula sa RBC, Northern Bulletin, Bombo Radyo, DPWE, DZYT, at Northern Luzon Correspondent na nagbahagi ng kanilang mga katanungan na siya namang binigyang kasagutan ni RD Lara.

Bagong Pilipino, Bagong Pilipinas!