đź“…

In the heart of Concepcion, Tarlac, a lush and thriving farm stands as a testament to hard work, perseverance, and the transformative power of agrarian reform. Blending productivity with nature’s beauty is not just a source of livelihood but a lifelong dream realized—one nurtured by the dedicated hands of Eloy Romero, an agrarian reform beneficiary.
At 64, Mang Eloy is a living proof of how farming can transform lives with the right support. To him, the land is more than just soil and crops—it is the foundation of his lifelong dream and a legacy for his family and future generations.
Mang Eloy’s passion for agriculture began in childhood, growing up in a family of nine siblings. At just seven years old, he was captivated by the sight of farmers tilling the land, sowing seeds, and harvesting crops.

“What amazed me most was how people could earn a living from plants and how farming brought sustenance and prosperity to the community. That curiosity soon grew into my lifelong passion for agriculture,” he shared.
Despite decades of farming, Mang Eloy and his family lacked legal ownership of the land they had cultivated for generations.
This changed with the implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), through which the Department of Agrarian Reform (DAR) awarded him and his siblings their parcels of land—three hectares for Mang Eloy himself. This pivotal moment secured their future and turned their dream into reality.
A Thriving and Sustainable Farm

Today, Mang Eloy’s farm is a flourishing landscape of seasonal crops and livestock. He grows rice during the rainy season and cultivates corn, sweet potatoes, chili, eggplant, and a variety of vegetables in drier months. His farm also supports livestock, including chickens and cattle, ensuring a sustainable source of income.
“Farming isn’t just a job; it’s a way of life. It provides income, but more importantly, it nurtures my family’s future,” he said.
Through farming, Mang Eloy and his wife were able to send their three children to school. Today, two of them have earned college degrees—one as a civil engineer and the other in hotel and restaurant management.

“We saved part of what we earned from our harvests to fund their education. Without farming, we wouldn’t have been able to support them. It’s proof that farming, when done right, can provide more than just food,” he shared.
The Power of Government Support
Mang Eloy attributes much of his success to the support he received from DAR.
“The assistance from DAR has been invaluable. Through cooperatives, we gained access to farm machineries and equipment like tractors, and, most importantly, training. These resources helped improve our productivity and efficiency,” he explained.
According to Mang Eloy, being part of a farmers’ cooperative has been a game-changer.

“It’s incredible what you can achieve when you’re part of an organization. You get access to programs that make a real difference in your farm and your livelihood,” he said.
More Than Just a Livelihood
Beyond financial security, Mang Eloy finds deep fulfillment in farming.
“There’s a special kind of peace in seeing your crops thrive. When you hear the birds, the roosters, the crickets, and the frogs, it’s a reminder that everything is in harmony,” he reflected.
Grateful for both his land and the support he has received, he expressed his appreciation: “Many thanks to DAR, especially to Secretary Conrado Estrella III. I see how much he and the department have been helping farmers like me and instilling in us a deeper love and appreciation for farming.”
For Mang Eloy, farming is not just about growing crops—it’s about nurturing life itself.
“Life is like a plant,” he mused. “You need to plant it, till it, water it, and take care of it. In time, it will bear fruit, and you will prosper.”
A Legacy of Growth and Resilience
Mang Eloy’s journey is a testament to resilience, passion, and the power of opportunity. With unwavering dedication, government support, and a deep love and commitment for agriculture and his family, he continues to sow the seeds of a brighter, more prosperous future—not just for himself, but for the generations that will follow.
Pagtatanim ng mga Pangarap sa Pamamagitan ng Pagsasaka
Sa puso ng Concepcion, Tarlac, isang mayabong at maunlad na sakahan ang sumasalamin sa sipag, tiyaga at pagbabago sa kapangyarihan ng repormang agraryo. Ang pinagsasamang produktibidad at kagandahan ng kalikasan ay hindi lamang pinagmumulan ng kabuhayan kundi isang natupad na pangarap, isang pinangalagaan ng masisipag na kamay ni Eloy Romero, isang benepisyaryo ng repormang agraryo.
Sa edad na 64, si Mang Eloy ay buhay na patunay kung paano kayang baguhin ng pagsasaka, lalo na kung may tamang suporta, ang buhay ng isang tao. Para sa kanya, ang lupa ay hindi lang simpleng lupa at pananim—ito ang pundasyon ng kanyang panghabambuhay na pangarap, at isang pamana para sa kanyang pamilya, at mga susunod na henerasyon.
Ang hilig ni Mang Eloy sa agrikultura ay nagsimula sa pagkabata, lumaki sa isang pamilya ng siyam na magkakapatid. Sa edad na pitong taong gulang pa lamang, nabighani na siya sa mga magsasaka na nagbubungkal ng lupa, nagtatanim ng binhi, at nag-aani ng mga pananim.
“Pinakamalaking pagtataka ko noon ay kung paano napagkakakitaan ng mga tao ang mga halaman at kung paano nagbibigay ng pagkain at kasaganaan ang pagsasaka sa buong komunidad. Mula noon, lumalim na ang aking interes sa agrikultura, at ito ang naging panghabambuhay kong hilig,” pagbabahagi niya.
Sa kanyang mabait na ngiti at kumpiyansang tindig, ibinahagi ni Mang Eloy na pangarap niyang pagyamanin at pagandahin ang pagsasaka. Gayunpaman, hindi naging madali ang kanyang landas patungo sa tagumpay.
Sa kabila ng ilang dekada ng pagsasaka, wala legal na pagmamay-ari si Mang Eloy at ang kanyang pamilya sa lupang kanilang sinasaka sa loob ng maraming taon.
Nagbago ito sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), kung saan iginawad ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa kanya at sa kanyang mga kapatid ang sarili nilang mga parsela ng lupa—tatlong ektarya para kay Mang Eloy mismo. Ang mahalagang sandali na ito ang nagsiguro ng kanilang kinabukasan at tumupad ng kanilang mga pangarap.
Isang Masagana at Napapanatiling Sakahan
Sa kasalukuyan, ang sakahan ni Mang Eloy ay isang maunlad na tanawin ng iba’t ibang pananim at alagang hayop. Nnagtatanim siya ng palay sa panahon ng tag-unlad at nagtatanim ng mais, kamote, sili, talong, at iba’t ibang gulay tuwing tag-araw. Bukod sa mga pananim, nag-aalaga rin siya ng mga manok at baka, na tinitiyak ang napapanatiling mapagkukunan ng kita.
“Ang pagsasaka ay hindi lang trabaho; ito ay isang paraan ng pamumuhay. Bukod sa kita, ito rin ang bumubuhay at nagpapalakas sa kinabukasan ng aking pamilya,” sabi niya.
Dahil sa pagsasaka, napag-aral ni Mang Eloy at ng kanyang asawa ang kanilang tatlong anak. Ngayon, dalawa sa kanila ay nakapagtapos na ng kolehiyo—ang isa ay civil engineer at ang isa naman ay nagtapos sa Hotel and Restaurant Management.
“Inilaan namin ang bahagi ng aming kinita sa pagsasaka upang mapaaral sila. Kung wala ito, hindi namin kayang suportahan ang kanilang edukasyon. Patunay ito na ang pagsasaka, kapag maayos na pinamamahalaan, ay maaaring magbigay hindi lang ng pagkain kundi pati na rin ng magandang kinabukasan,” aniya.
Ang Lakas ng Suporta ng Pamahalaan
Iniugnay ni Mang Eloy na malaking bahagi ng kanyang tagumpay dahil sa tulong ng DAR.
“Hindi matatawaran ang suporta ng DAR. Sa pamamagitan ng mga kooperatiba, nagkaroon kami ng access sa mga makinarya at kagamitan sa pagsasaka tulad ng traktora, at higit sa lahat, mga pagsasanay. Malaki ang naitulong nito sa pagpapabuti ng aming ani at pagiging epektibo sa pagsasaka,” paliwanag niya.
Para kay Mang Eloy, ang pagiging bahagi ng isang kooperatiba ng mga magsasaka ay isang malaking biyaya.
“Napakaraming oportunidad ang dumating dahil sa pagiging bahagi ng isang samahan ng mga magsasaka. Maraming programa ang nakatulong sa aming kabuhayan at sakahan,” dagdag niya.
Higit pa sa Kabuhayan
Bukod sa pananalapi, natagpuan din ni Mang Eloy ang kapayapaan sa pagsasaka.
“Iba ang pakiramdam ng nakikita mong lumalago at namumunga ang iyong mga pananim. Kapag naririnig mo ang huni ng mga ibon, tilaok ng manok, huni ng kuliglig, at kokak ng palaka, pakiramdam mo ay nasa tamang balanse ang lahat,” pagninilay niya.
Lubos ang kanyang pasasalamat hindi lang sa kanyang lupang sinasaka kundi pati na rin sa suportang kanyang natanggap: “Maraming salamat sa DAR, lalo na kay Secretary Conrado Estrella III. Nakikita ko kung paano niya at ng buong ahensya pinahahalagahan ang mga magsasaka tulad ko at kung paano nila itinatanim sa amin ang mas malalim na pagmamahal at pagpapahalaga sa pagsasaka.”
Para kay Mang Eloy, ang pagsasaka ay hindi lang tungkol sa pagtatanim ng pananim—ito ay tungkol din sa pag-aalaga ng buhay.
“Ang buhay ay parang halaman,” wika niya. “Kailangan mo itong itanim, bungkalin, diligan, at alagaan. Sa tamang panahon, ito ay mamumunga, at ikaw ay uunlad.”
Isang Pamana ng Paglago at Katatagan
Ang kwento ni Mang Eloy ay isang patunay ng katatagan, dedikasyon, at kapangyarihan ng oportunidad. Sa walang patid na dedikasyon, suporta ng pamahalaan, at malalim na pagmamahal at pangako para sa agrikultura at sa kanyang pamilya, patuloy niyang itinatanim ang mga binhi ng isang mas maunlad na kinabukasan—hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa susunod pang henerasyon.