đź“…
A total of 4,300 agrarian reform beneficiaries (ARBs) in Quezon were relieved from paying P442 million in agrarian debts as President Ferdinand R. Marcos Jr. and Agrarian Reform Secretary Conrado M. Estrella III led the distribution of 11,497 Certificates of Condonation and Release of Mortgage (CoCRoM) covering 1,872.7398 hectares of land, on Friday, November 29, 2024, held at Quezon Convention Center, Lucena City.
Marcos said that under the Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project, the DAR aims to distribute individual land titles to the ARBs to parcelize collective Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) previously granted to them so that they can finally own the land they are tilling.
“Alam po namin ni Secretary Estrella na napakatagal na ninyong nag-aantay. Kaya’t binibilisan na namin ang pagibigay ng mga titulo para ng sa ganon ay maliwanag kung ano ang para sa inyo, at kung anuman ang aanihin ninyo ay sa inyo na rin,” Marcos said.
Marcos thanked the World Bank for partnering with the DAR to implement Project SPLIT.
“Masaya ko ding ibinabalita sa inyo na mahigit anim-na-raang benepisyaryo na ang nakakatanggap ng kanilang e-titles simula July 2022 dito sa probinsya ng Quezon,” he added.
Jayson Acuzar, 38 years old, one of the COCROM recipients from Candelaria, Quezon, with CLOA covering three (3) hectares, has been condoned of his debt amounting to almost P 500,000.00.
“Walang katapusang pasasalamat kay Pangulong Marcos. Dating katiwala lang ang lolo ko na si Alejandro Acuzar ng dating landowner na si Concepcion Rodriquez. Bilang apo, namana ko ang tatlong (3) ektaryang lupa na kanyang sinasaka. Halos kalahating milyon utang ang nabura ng pamahalaan. Kayamanan na para sa akin ang nasabing halaga,” he said.
Marcos also distributed fifteen (15) electronic titles (e-titles) under the Project SPLIT, comprising fifteen (15) ARBs from Buenavista, Quezon, covering an area of 30.8064 hectares.
This initiative is aligned with Republic Act No. 11953 or the New Agrarian Emancipation Act which is mandated to provide significant financial relief, motivate farmers, and contribute to national food security.
The event marks the first-ever COCROM distribution in CALABARZON and marks a significant milestone in empowering ARBs and enhancing regional agricultural productivity.
4,300 magsasaka sa Quezon Province nabura ang P442-M utang pang-agraryo
May kabuuang 4,300 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa mga lalawigan ng Quezon ang nakahinga sa pagbabayad ng P442 milyong utang pang-agraryo nang pangunahin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Agrarian Reform Secretary Conrado M. Estrella III ang pamamahagi ng 11,497 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) na sumasaklaw sa 1,872.7398 ektarya ng lupa, noong, Biyernes, Nobyembre 29. 2024, na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Sinabi ni Marcos na sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project, layunin ng DAR na ipamahagi ang mga indibidwal na titulo ng lupa sa ARBs para mahati-hati ang collective Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) na dati nang ipinagkaloob sa kanila upang tuluyan nang mapasakamay nila ang lupang matagal na nilang binubungkal.
“Alam po namin ni Secretary Estrella na napakatagal na ninyong nag-aantay. Kaya’t binilisan na naming ang pagbigay ng mga titulo para ng sa gano’n maliwanag kung ano ang sa inyo, at kung anuman ang aanihan ninyo ay sa inyo rin,” ani Marcos.
Pinasalamatan ni Marcos ang World Bank dahil sa pakikipagtulungan sa DAR sa pagpapatupad ng Project SPLIT.
“Masaya ko ding ibinabalita sa inyo na mahigit anim-na-raang benepisyaryo na nakakatanggap ng kanilang e-titles simula noong July 2022 dito sa probinsya ng Quezon,” dagdag niya.
Si Jayson Acuzar, 38 taong gulang, isa sa mga nakatanggap ng COCROM mula sa Candelaria, Quezon na may CLOA na sumasaklaw sa tatlong (3) ektarya ay napatawad na sa kanyang utang na halos P500,000.00
“Walang katapusang pasasalamat kay Pangulong Marcos. Dating katiwala lang ang lolo ko na si Alejandro Acuzar ng dating landowner na si Concepcion Rodriquez. Bilang apo, namana ko ang tatlong (3) ektaryang lupa na kanyang sinasaka. Halos kalahating milyon utang ang nabura ng pamahalaan. Kayamanan na para sa akin ang nasabing halaga,” aniya.
Namahagi din si Marcos ng labinglimang (15) electronic titles (e-titles) sa ilalim ng Project SPLIT na binubuo ng labinglimang (15) ARBs mula sa Buenavista, Quezon na sumasaklaw sa 30.8064 ektarya,
Ang inisyatibong ito ay nakahanay sa Republic Act No. 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act nla nag-uutos na magkaloob ng makabuluhang tulong pinansyal, magbigay-inspirasyon sa mga magsasaka, at mag-ambag sa pambangsang seguridad sa pagkain.
Minarkahan ng naturang kaganapan ang kauna-unahang pamamahagi ng COCROM sa CALABARZON at minarkahan din ng mahalagang okasyon pagbibigay kapangyarihan sa mga ARB at pagpapahusay ng produktibidad ng agrikultura sa rehiyon,