đź“…
Roxas City, Capiz – Around 5,036 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) from 17 municipalities in the province of Capiz were awarded Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoM), Certificates of Land Ownership Award (CLOA), and Electronic Titles (E-Titles) under Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project in a ceremony held at Capiz Gymnasium, Villareal Stadium, Roxas City, Capiz, on November 28, 2024.
Senator Imee Marcos with Department of Agrarian Reform (DAR) Assistant Secretaries Rodolfo Castil Jr. and Atty. Quintin Magsico Jr., Regional Director for Region 6 Leomides Villareal, and Roxas City Mayor Ronnie Dadivas led the distribution of certificates and land titles.
Sen. Marcos shared the good news she brought with her to the farmers of Capiz: “Ang ating magandang balita, sa wakas, mamimigay na tayo. Libreng-libre. Wala nang utang. Zero balance sa tanan. Limpyo. Libre na ang titulo sa inyo na 100%.”
Sen. Marcos also shared how the will of his father, the late former President Marcos Sr., to develop and strengthen the farmers is slowly being actualized.
“At last, yan ang handog natin sa DAR, handog ng pamahalaan. At yung sinasabi, parati nating kinakanta ang National Anthem. Lupang Hinirang ang titulo, pero ang tinuod, Lupang Hinarang, kasi 51 years na ito, wala pa rin, pero ngayon sa araw na ito, dito sa Capiz, Roxas City, para sa tanan), tunay nang Lupang Hinirang, may lupa ang bawat Pilipino.”
The distribution of CoCRoMs is in accordance with Republic Act No. 11953, or the New Agrarian Emancipation Act (NAEA) signed into law by President“Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on July 7, 2023. Under this act, all loans, including interests, penalties, and surcharges incurred by the ARBs from the lands awarded to them under Presidential Decree (PD) 27, R.A. No. 6657, and R.A. No. 9700 shall be condoned.
Sen. Marcos distributed a total of 7,962 Certificates and Land Titles to 5,036 ARBs from 17 municipalities in the province of Capiz, covering 5,584.8932 hectares of land.
From this total, 7,455 CoCRoMs covering a total of 5,013.5764 hectares were distributed to 4,630 ARBs. Meanwhile, 66 were CLOAs equivalent to 34.383 hectares of land distributed to 61 ARBs from the four municipalities of Capiz. And 441 E-Titles under the SPLIT Project equivalent to 536.9338 hectares of land were distributed to 345 ARBs from 11 municipalities of the province.
5,036 ARBs tumanggap ng CoCRoM, CLOA, at SPLIT E-Titles, libre na ngayon mula sa P237.468 utang pang-agraryo
Roxas City, Capiz – Nasa 5,036 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa 17 na munisipalidad sa probinsya ng Capiz ang nabigyan ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoM), Certificates of Land Ownership Award (CLOA), at Electronic Titles (E-Title) sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project sa seremonyang ginanap sa Capiz Gymnasium, Villareal Stadium, Roxas City, Capiz noong November 28, 2024.
Pinangunahan ni Senador Imee Marcos kasama sina Department of Agrarian Reform (DAR) Assistant Secretaries Rodolfo Castil Jr. at Atty. Quintin Magsico Jr. Regional Director ng Region 6 Leomides Villareal, at Roxas City Mayor Ronnie Dadivas ang pamamahagi ng mga sertipiko at titulo ng lupa
Ibinahagi ni Sen. Marcos ang kanyang bitbit na mabuting balita sa mga magsasaka ng Capiz: “Ang ating magandang balita, sa wakas, mamimigay na tayo. Libreng-libre. Wala nang utang. Zero balance sa tanan. Limpyo. Libre na ang titulo sa inyo na 100%.”
Ibinahagi ni Sen. Marcos kung paanong unti-unting naisasakatuparan ang kalooban ng kanyang ama, ang yumaong dating Pangulong Marcos Sr. na paunlarin at palakasin ang mga magsasaka.
“At last, yan ang handog natin sa DAR, handog ng pamahalaan. At yung sinasabi, parati nating kinakanta ang National Anthem. Lupang Hinirang ang titulo, pero ang tinuod, Lupang Hinarang, kasi 51 years na ito, wala pa rin, pero ngayon sa araw na ito, dito sa Capiz, Roxas City, para sa tanan (lahat), tunay nang Lupang Hinirang, may lupa ang bawat Pilipino.”
Ang pamamahagi ng mga CoCRoM ay alinsunod sa Republic Act No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA) na nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hulyo 7, 2023. Sa ilalim ng batas na ito, mawawala ang lahat ng mga pautang, kabilang ang mga interes, multa, at surcharges na natamo ng mga ARB mula sa mga lupaing iginawad sa kanila sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 27, R.A. No. 6657, at R.A. No. 9700.
Nakapamahagi si Sen. Marcos ng kabuuang 7,962 na mga Katibayan at Titulo ng Lupa sa 5,036 ARBs na sumasakop sa 5,584.8932 ektarya ng lupain mula sa 17 munisipalidad ng probinsya ng Capiz.
Mula sa kabuuang ito, 7,455 na CoCRoM na sumasakop sa 5,013.5764 ektarya ng lupain ang naipamahagi sa 4,630 ARBs. Samantala, 66 naman sa mga ito ay mga CLOA na katumbas ng 34.383 ektarya ng mga lupain na naipamahagi sa 61 ARBs sa apat na munisipalidad ng Capiz. At 441 naman sa mga ito ay mga E-Titles sa ilalim ng SPLIT Project na katumbas ng 536.9338 ektarya ng lupang naipamahagi sa 345 ARBs mula sa 11 munisipalidad ng lalawigan.