📅
The Department of Agrarian Reform (DAR) distributed 2,931 Certificates of Condonation with Release of Mortgages (CoCRoMs) to 2,654 agrarian reform beneficiaries (ARBs) condoning a total of ₱88,810,223 ARBs’ loans from the provinces of Albay, Catanduanes, Masbate and Sorsogon.
The distribution activity, led by Senator Imee Marcos and Agrarian Reform Regional Director Reuben Theodore Sindac was held on Tuesday, November 26, 2024, at Legazpi City Convention Center.
Marcos said that through these certificates, farmers’ lives would change for the better.
“Tuluy-tuloy nating tutulungan ang mga magsasaka. Upang manatili sila sa kanilang mga bukirin, bibigyan natin sila ng mga ayudang magpapaunlad sa kanila,” she said.
CoCRoM fulfills the mandate of Republic Act No. 11953, or the New Agrarian Emancipation Act (NAEA), which was signed by the President on July 7, 2023, condoning all loans, including interests, penalties, and surcharges incurred by ARBs from land awarded to them under Presidential Decree 27, RA 6657, and RA 9700.
The law covers more than 1.7 million hectares of agrarian reform lands nationwide, and around 610,054 farmers will benefit from it, making them debt-free from P57.65 billion of agrarian arrears.
From this total, 1,670 certificates were distributed to 1,546 ARBs from the province of Sorsogon, covering 2,783.07 hectares of land canceling a total of P49.86 million loan. In Albay, 1,151 certificates were distributed to 1,004 ARBs covering a total of 1,404.19 hectares of land and condoned a P36.108 million loan.
The DAR also distributed a total of 100 certificates to 94 ARBs from the province of Masbate, covering 189.48 hectares of land canceling a total of P2.497 million loan. In Catanduanes, 10 certificates were distributed to 10 ARBs, covering a total of 16.17 hectares, with P338,535.22 of loans condoned.
Purita Obiasca, a 78-year-old ARB from Guinobatan who has stage-4 cancer, personally received her title from the DAR.
“Kasalukuyan akong nag-rerecover. Pero ng sabihin sa akin ng mga taga-DAR na hindi ko na kailangang bayaran ang aming lupa, lalo akong lumakas at lalo kong kakayanin na gumaling pa,” she said.
Obiasca added that she convinced her family to attend the activity to personally thank President Marcos and the DAR for their effort to give her such a blessing.
During the event, a total of 760 land titles covering 1,004.45 hectares, were also distributed to the 642 ARBs from the same provinces.
Sindac said 723 are Electronic Titles (e-titles) under the Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) and 37 Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) under the regular (Land Acquisition and Distribution) program.
DAR pinatawad ang ₱88.8M utang ng mga magsasakang Bikolano
Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng 2,931 Certificates of Condonation with Release of Mortgages (CoCRoMs) sa 2,654 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na bumubura sa kabuuang ₱88,810,223 pagkakautang ng mga ARB mula sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes, Masbate and Sorsogon.
Idinaos ang aktibidad sa pangunguna nina Senator Imee Marcos at Agrarian Reform Regional Director Reuben Theodore Sindac noong Martes, Nobyembre 26, 2024,, sa Legazpi City Convention Center.
Sinabi ni Marcos na sa pamamagitan ng mga sertipikong ito, magbabago ang pamumuhay ng mga magsasaka tungo sa kaunlaran.
“Tuluy-tuloy nating tutulungan ang mga magsasaka. Upang manatili sila sa kanilang mga bukirin, bibigyan natin sila ng mga ayudang magpapaunlad sa kanila,” aniya.
Tinutupad ng CoCRoM ang mandato ng Republic Act No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA), na nilagdaan ng Pangulo noong Hulyo 7, 2023, upang mawala ang lahat ng mga pautang, kabilang ang mga interes, multa, at surcharges na natamo ng mga ARB mula sa lupang iginawad sa kanila sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 27, R.A. No. 6657, at R.A. No. 9700.
Sakop ng batas ang higit sa 1.7 milyong ektarya ng mga lupain sa repormang agraryo sa buong bansa, at humigit-kumulang 610,054 na magsasaka ang makikinabang dito, kung saan mapapatawad na ang P57.65 bilyon na utang pang-agraryo ng mga magsasaka.
Mula sa kabuuang ito, 1,670 sertippiko ang ipinamahagi sa 1,546 ARBs mula sa lalawigan ng Sorsogon, na sumasakop sa 2,783.07 ektarya ng lupa na kumaknsela sa P49.86-milyong utang. Sa Albay, 1,151 sertipiko ang ipinagkaloob sa 1,004 ARBs na sumasakop sa may 1,404.19 ektarya ng lupa at nakakansela sa P36.108 milyong utang.
Namahagi rin ang DAR ng 100 sertipiko sa 94 ARBs mula sa lalawigan ng Masbate, na sumasakop sa 189.48 ektarya ng lupa at bumubura sa may P2.497 milyong utang. Sa Catanduanes, 10 sertipiko ang ipinamahagi sa 10 ARBs, na sumasakop sa 16.17 ektarya, na nagpapatawad sa P338,535.22 na utang.
Si Purita Obiasca, isang 78-taong gulang na ARB mula Guinobatan, na may stage-4 cancer, ay personal na tinanggap ang kanyang sertipiko mula sa DAR.
“Kasalukuyan akong nag-rerecover. Pero ng sabihin sa akin ng mga taga-DAR na hindi ko na kailangang bayaran ang aming lupa, lalo akong lumakas at lalo kong kakayanin na gumaling pa,” aniya.
Idinagdag ni Obiasca na kinumbinse niya ang kanyang pamilya na dumalo sa aktibidad upang pasalamatan ng personal si Pangulong Marcos at ang DAR para sa kanilang mga ginawa upang mabigyan siya ng ganitong pagpapala.
Sa nasabing kaganapan, may kabuuang 760 titulo ng lupa na sumsakop sa 1,004.45 ektarya, ay ipinamahagi din sa 642 ARBs mula sa nasabing mga lalawigan.
Ayon kay Sindac 723 ay Electronic Titles (e-titles) sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) at 37 Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) sa ilalim ng regular (Land Acquisition and Distribution) na programa.