đź“…

Sen. Imee R. Marcos hands over debt condonation certificates and land titles to agrarian reform beneficiaries in a ceremony held at the Victory Coliseum, San Rafael, Bulacan.

Some 1,483 agrarian reform beneficiaries (ARBs) in Bulacan, Aurora, and Bataan provinces were relieved of paying P57.798 million in debts related to agricultural lands granted to them through the agrarian reform program.

Senator Imee Marcos personally handed over to these ARBs a total of 1,792 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs) covering a total of 719.607 hectares of land during a ceremony on November 24, 2024 at the Victory Coliseum, San Rafael, Bulacan.

“The government is lifting the heavy burden of debts tied to your farmlands for years. Your amortizations, interest, and surcharges are now erased,” Marcos said.

She acknowledged that ARBs have been struggling with agrarian reform-related debts for decades and encouraged them to seize this opportunity to improve their lives, while also reassuring them of continued government support.

Marcos reaffirmed her commitment to continue working and aiding the ARBs amid all the challenges they face.

The recipients of certificates of condonation and land titles together with Sen. Imee R. Marcos, and other DAR top officials and representatives from the local governments of Bulacan, Aurora, and Bataan.

This debt relief initiative is part of Republic Act No. 11953, or the New Agrarian Emancipation Act (NAEA), signed by the President last July 2023. The law mandates the condonation of all unpaid principal amortizations, interest, and surcharges on agricultural lands awarded under the Comprehensive Agrarian Reform Program.

Ernesta Jocson, 60 years old, widow of Ricardo Jocson, and one of the COCROM recipients from Baler, Aurora, with CLOA-T-5996 covering 2.7 hectares, has been condoned of the debt to their land amounting to P203,839.49.

“I am very happy and grateful to our dear President. For a long time, we were not able to pay our debts to the Landbank due to lack of extra income. Now, I will not be worried about my debts anymore,” she said.

Marcos also distributed 57 Certificates of Land Ownership Award (CLOA) with an aggregate area of 40 hectares benefiting 49 ARBs and 128 electronic titles under the Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project comprising 100 ARBs from Bulacan and Bataan.

The event marks the fourth COCROM distribution in Central Luzon, following the previous distributions in Nueva Ecija, Tarlac, and Pampanga.

DAR binura and P57,798 milyong utang pang-agraryong 1,483 ARB sa Bataan, Bulacan, at Aurora

May 1,483 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa mga lalawigan ng Bulacan, Aurora, at Bataan ang nakahinga sa pagbabayad ng P57.798 milyong utang kaugnay ng mga lupang agrikultural na ipinagkaloob sa kanila sa pamamagitan ng programa sa repormang agraryo.

Personal na iniabot ni Senator Imee Marcos sa mga ARB na ito ang kabuuang 1,792 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs) na sumasaklaw sa kabuuang 719.607 ektarya ng lupa sa isang seremonya noong Nobyembre 24, 2024 sa Victory Coliseum, San Rafael, Bulacan.

“Binura ng gobyerno ang mabigat na pasanin ng mga utang na nakatali sa inyong mga lupang sakahan sa loob ng maraming taon. Ang inyong amortisasyon, interes, at iba pang mga surcharge ay nabura na,” ani ni Marcos .

Inamin niya na ang mga ARB ay nahihirapan sa mga utang na may kaugnayan sa repormang agraryo sa loob ng maraming dekada at hinikayat silang samantalahin ang pagkakataong ito para mapabuti ang kanilang buhay, habang tinitiyak din ang patuloy na suporta ng gobyerno.

Muling pinagtibay ni Marcos ang kanyang pangako na patuloy na magtrabaho at tumulong sa mga ARB sa gitna ng lahat ng hamon na kanilang kinakaharap.

Ang pagbibigay ng kaluwagan sa mga utang na ito ay bahagi ng Republic Act No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA), na nilagdaan ng Pangulo noong Hulyo 2023. Ang batas ay nag-uutos ng pagpapatawad ng lahat ng hindi nabayarang prinsipal na amortisasyon, interes, at surcharges sa mga lupang pang-agrikultura na iginawad sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Si Ernesta Jocson, 60 taong gulang, balo ni Ricardo Jocson, at isa sa mga nakatanggap ng COCROM mula sa Baler, Aurora, na may CLOA-T-5996 na sumasaklaw sa 2.7 ektarya ay napatawad na sa utang na nagkakahalaga ng P203,839.49.

“Ako po ay lubos na natutuwa at nagpaapasalamat sa ating mahal na Pangulo. Sa mahabang panahon, hindi na naming nabayaran ang aming pagkaka-utang sa Landbank dahil sa kakulangan sa ekstrang kita. Ngayon, hindi na ako mag-aalala sa mga utang ko,” aniya.

Namahagi din si Marcos ng 57 Certificates of Land Ownership Award (CLOA) na may kabuuang lawak na 40 ektarya na pakikinabangan ng 49 ARBs at 128 electronic titles sa ilalim ng Proyektog Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) na binubuo ng 100 ARBs mula sa Bulacan at Bataan.

Ang kaganapan ay minarkahan ang ika-apat na pamamahagi ng COCROM sa Gitnang Luzon, kasunod ng mga nakaraang pamamahagi sa Nueva Ecija, Tarlac, at Pampanga.