đź“…
President Ferdinand R. Marcos Jr. distributed 9,058 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoMs) to 6,948 agrarian reform beneficiaries (ARBs) covering 10,181.0919 hectares in a ceremony held at Panabo Municipal Gym, Panabo City, Davao del Norte, on December 5, 2024.
Elizabeth Ogabang, 55, one of the COCROM recipients from Panabo City, received a CLOA covering 1 hectare condoning her debt amounting to P385,000.00.
“Dati, nakakabayad pa ako kahit kaunti sa Landbank para mabawasan ang aking pagkakautang. Pero taong 2006 nagkawatak-watak ang aming cooperative kaya hindi na ako nakabayad. Lubos ang aking pasasalamat kay Pangulong Marcos, wala na akong utang at iisiping bayarin. Maraming salamat mahal na Pangulo,” Ogabang said.
Marcos said the government is continuing its efforts to provide farmers with projects to make their farms productive and stabilize the agricultural sector.
“Ang paggawad ng COCROM ay bahagi ng pagpapatupad ng isang bagong batas, ang New Agrarian Emancipation Act. Ang programang ito ay naglalayong gawing ganap na tagapagmay-ari ng inyong mga sinasaka. Ibig sabihin, wala na po kayong iisiping na babayarang amortisasyon, interes at iba pang mga surcharge. Sa madaling salita, lahat ng inyong utang ay burado na,”
From 9,058 COCROMs, Marcos said the Department of Agrarian Reform (DAR) distributed a total of 2,337 COCROMs in Davao del Norte involving 2,077.9035 hectares and benefitting 1,731 ARBs condoning P195.744 million loan.
In Davao de Oro, 4,901 COCROMs were issued covering 5,030.7986 hectares benefiting 3,614 ARBs and condoning P256.130 million loan. While in Davao Oriental1,820 COCROMs were issued involving 3,072.3839 hectares benefitting 1,606 ARBs erasing a total of P75.819 million of debts.
He said COCROMs for the provinces of Davao del Sur, Davao Occidental, and Davao City are scheduled to be distributed before the end of the year.
During the event, the President and DAR Secretary Conrado M. Estrella III also distributed 672 electronic land titles (e-titles) to 465 ARBs under the Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project covering 467 hectares in Davao del Norte and Davao del Sur. While 144 regular Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) were distributed to 142 ARBs covering 250.005 hectares across the region.
PBBM binura ang P528 milyong utang pang-agraryo ng 6,948 ARBs mula sa rehiyon ng Davao
Namahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 9,058 Certificates of Condonation and Release of Mortgage (CoCRoM) sa 6,948 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na sumasaklaw sa 10,181.0919 ektarya sa isang seremonya na ginanap sa Panabo Municipal Gym, Panabo City, Davao del Norte, noong Disyembre 5, 2024.
Sinabi ni Elizabeth Ogabang, 55, isa sa mga tumanggap ng COCROM mula sa Panabo City ay nakatanggap ng CLOA na sumasaklaw sa 1 ektarya kung saan nabura na ang kanyang utang na nagkakahalaga ng P385,000.00.
“Dati, nakakabayad pa ako kahit kaunti sa Landbank para mabawasan ang aking pagkakautang. Pero taong 2006 nagkawatak-watak ang aming cooperative kaya hindi na ako nakabayad. Lubos ang aking pasasalamat kay Pangulong Marcos, wala na akong utang at iisiping bayarin. Maraming salamat mahal na Pangulo,” ani Ogabang.
Sinabi ni Marcos na patuloy ang pagsisikap ng pamahalan na mabigyan ang mga magsasaka ng mga proyekto upang maging produktibo ang kanilang mga sakahan at maging matatag ang sektor ng agrikultura.
“Ang paggawad ng COCROM ay bahagi ng pagpapatupad ng isang bagong batas, ang New Agrarian Emancipation Act. Ang programang ito ay naglalayong gawing ganap na tagapagmay-ari ng inyong mga sinasaka. Ibig sabihin, wala na po kayong iisiping na babayarang amortisasyon, interes at iba pang mga surcharge. Sa madaling salita, lahat ng inyong utang ay burado na,”
Mula sa 9,058 COCROM, sinabi ni Marcos na ang Department of Agrarian Reform (DAR) ay namahagi ng kabuuang 2,337 COCROM sa Davao del Norte sakop ang 2,077.9035 ektarya kung saan may 1,731 ARBs ang napatawad ang P195.744 milyong utang.
Sa Davao de Oro, may 4,901 COCROMs ang inisyu na sumasaklaw sa 5,030.7986 ektarya sa 3,614 ARBs at bumura sa P256.130 milyong utang. Habang sa Davao Oriental naman ay 1,820 COCROM ang inisyu sakop ang 3,072.3839 ektarya sa 1,606 ARBs na binubura ang kabuuang P75.819 milyon na mga utang.
Aniya, nakatakdang ipamahagi ang mga COCROM para sa mga lalawigan ng Davao del Sur, Davao Occidental at Davao City bago matapos ang taon.
Sa nasabing kaganapan, namahagi din ang Pangulo at si DAR Secretary Conrado M. Estrella III ng kabuuang 672 electronic land titles (e-titles) sa 465 ARBs sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project na sumasaklaw sa 467 ektarya sa mga lalawigan ng Davao del Norte at Davao del Sur. Habang 144 na regular Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) ang naipamahagi sa 142 ARBs na sumasaklaw sa 250.005 ektarya sa buong rehiyon.