đź“…

Representatives from the DAR, DICT, USAID BEACON, and unconnected.org activate internet access in two agrarian reform communities in Surigao del Sur.

A total of 900 farming households in two agrarian reform communities (ARCs) in Surigao del Sur benefitted from the community networks activated by the Department of Agrarian Reform (DAR) and the Department of Information and Communications Technology (DICT), in partnership with the USAID BEACON and unconnected.org to expand internet access in Caraga region.

OIC-Provincial Agrarian Reform Program Officer II Jerry R. Viillason said the two newly activated community networks used Starlink’s low-earth orbit (LEO) satellite technology with an internet bandwidth of up to 200 Mbps download speed, connecting 100-150 users per access point.

The first community network was activated in Brgy. San Isidro, Marihatag, a third-class municipality located more than 40 km from the provincial capital of Tandag City.

The internet network will be managed by the San Isidro Abaca Farmers Organization (SIAFO), a DAR-assisted agrarian reform beneficiary organization (ARBO) composed of abaca farmers and women weavers producing abaca bags, baskets, and other local handicrafts.

Previously, the organization produced woven products only upon order due to a lack of market. With reliable internet connectivity now available, DAR intends to train SIAFO members to enhance its product range and assist in promoting and selling its products online to expand its customer base.

Representatives from the DAR, DICT, USAID BEACON, and unconnected.org activate internet access in two agrarian reform communities in Surigao del Sur.

The community network will also provide free internet connectivity to 398 public school students and 14 faculty members. The DICT will upgrade the school’s existing computer laboratory into a Digital Transformation Center Level 1, donate computer units, and offer ICT training to the local community.

The second community network was activated in Sitio Mabuhay, Brgy. Kahayagan in Tagbina, Surigao del Sur. The area is an upland community with over 520 households, the majority of which are coconut and coffee farmers. The community network will be managed by Mabuhay Kahayagan Coffee Growers Cooperative (MKCGC), comprising 180 members,15 of whom are members of the indigenous community.

MKCGC intends to use the newly installed community network to market their products online, scale their livelihood, and improve revenues for the cooperative members.

Villason said an additional access point was installed at Mabuhay Elementary School to enable 57 students and 11 teachers to access free internet to aid them in communication, research, and online learning for the students.

“The DICT will nominate the site to be one of the priority sites for the DICT’s Smart Village and Smart Islands (SVSI) Project, which will be equipped with computer units and serve as a training hub for higher-level ICT capacity-building not just for the cooperative but the local community as well,” he said.

He added that the DAR has committed to partner with the Department of Trade and Industry (DTI) to help the organization develop its website and venture into e-commerce.

Mga magsasaka ng Surigao del Sur nagkaroon ng internet access mula sa DAR, DICT

đź“…

May kabuuang 900 sambahayan ng pagsasaka sa dalawang agrarian reform communities (ARCs) sa Surigao del Sur ang nakinabang sa mga community network na pinatakco ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT), katuwang ang USAID BEACON at unconnected.org upang palawakin ang internet access sa rehiyon ng Caraga.

Sinabi ni OIC-Provincial Agrarian Reform Program Officer II Jerry R. Viillason na ginamit ng dalawang bagong activated community network ang low-earth orbit (LEO) satellite technology ng Starlink na may internet bandwidth na hanggang 200 Mbps download speed, na nagkokonekta ng 100-150 user kada access point .

Ang unang community network ay napatakbo sa Brgy. San Isidro, Marihatag, isang ikatlong-klase na munisipalidad na matatagpuan higit sa 40 km mula sa kabisera ng lalawigan ng Tandag City.

Ang internet network ay pamamahalaan ng San Isidro Abaca Farmers Organization (SIAFO), isang agrarian reform beneficiary organization (ARBO) na tinutulungan ng DAR, na binubuo ng magsasaka ng abaca at mga kababaihang manghahabi na gumagawa ng abaca bags, baskets, at iba pang local handicrafts.

Dati, ang organisasyon ay gumagawa lamang ng mga hinabing mga produkto kapag may mga order dahil sa kakulangan ng merkado. Dahil magagamit na ngayon ang maaasahang koneksyon sa internet, nilalayon ng DAR na turuan ang mga miyembro ng SIAFO na pahusayin ang hanay ng kanilang mga produkto at tumulong sa pagpo-promote at pagbebenta ng kanilang mga produkto sa online upang mapalawak ang customer base nito.

Ang community network ay magbibigay din ng libreng internet connectivity sa 398 estudyante mula sa pampublikong paaralan at 14 na mga guro. Patataasin din ng DICT ang kalidad ng kasalukuyang computer laboratory ng paaralan bilang isang Digital Transformation Center Level 1, magkakaloob ng mga computer unit at mag-aalok ng pagsasanay sa ICT sa lokal na komunidad.

Ang ikalawang community network ay napaandar sa Sitio Mabuhay, Brgy. Kahayagan sa Tagbina, Surigao del Sur. Ang lugar ay isang komunidad sa kabundukan na may higit sa 520 kabahayan, karamihan sa mga ito ay mga magsasaka ng niyog at kape. Ang network ng komunidad ay pamamahalaan ng Mabuhay Kahayagan Coffee Growers Cooperative (MKCGC), na binubuo ng 180 miyembro, 15 sa kanila ay miyembro ng katutubong komunidad.

Nilalayon ng MKCGC na gamitin ang bagong naka-install na network ng komunidad upang maibenta ang kanilang mga produkto online, paunlarin ang kanilang kabuhayan, at pagbutihin ang mga kita para sa mga miyembro ng kooperatiba.

Sinabi ni Villason na naglagay ng karagdagang access point sa Mabuhay Elementary School para ma-access ng 57 mag-aaral at 11 guro ang libreng internet para matulungan sila sa komunikasyon, pananaliksik, at online na pag-aaral para sa mga mag-aaral.

“Itatalaga ng DICT ang lugar upang maging isa sa mga priyoridad na lugar para sa Smart Village and Smart Islands (SVSI) Project ng DICT, upang mabigyan ng mga computer unit at magsisilbing training hub para sila ay mapagkalooban ng pagsasanay upang mapataas ang lebel ng ICT hindi lamang. para sa kooperatiba ngunit sa lokal na komunidad din,” aniya.

Idinagdag niya na ang DAR ay nangangako na makipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) upang tulungan ang organisasyon na bumuo ng sarili nitong website at makipagsapalaran sa e-commerce.