DAR SEC. CRUZ Pinangunahan ang Pagbubukas ng Tulay sa Pacac, Allacapan, Cagayan

 
ALLACAPAN, Cagayan - Ngayong araw, pinasinayaan ni Agrarian Reform Secretary Bernie F. Cruz ang Turn-Over and Acceptance Ceremony ng Pacac Metallic Bridge sa bayan ng Allacapan.
 
DAR Secretary Bernie F. Cruz
Ayon kay Sec. Cruz, malaki ang itutulong nitong tulay katuwang ang DPWH. Matagal ninyo itong mapapakinabangan sapagkat ang materyales nito ay gawa tulad sa Eiffel Tower.
 
Samantala, ayon kay Cagayan Valley Regional Director Samuel S. Solomero, ang Pacac Metallic Bridge ay proyekto sa ilalim ng Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Agraryo o TPKP ng Department of Agrarian Reform. Katuwang sa pagpapatayo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Local Government Unit ng Allacapan at PGU ng Cagayan.
 
Ito ay sinimulan noong Pebrero at natapos ng Disyembre noong nakaraang taon. Ito ay may sukat na 34.2-linear meter at nagkakahalaga ng P33.3 Milyon. Ito rin ay napapaloob sa isang agrarian reform community-PATASDA, dagdag pa ni RD Solomero.
 
Sambit ni Municipal Mayor Harry Florida sa kanyang welcome message malakig tulong itong proyekto sa ating magsasaka.
 
Bibisita kaming mula sa inyong opisina para idulog ang para naman sa approach, ikka pa niya.
 
Ayon kay DPWH Engr. Vicente Uy, nakikiisa ang aming ahensya sa pagbubukas ng tulay para mag-aangat sa buhay ng mga magsasaka. Ito ay parte sa Build Build Build project ni Pangulong Duterte.
 
Mapapadali na ang pagpapadala ng mga produkto ng mga magsasaka sa merkado, dagdag pa niya.
Pinangunahan ni DAR Sec Cruz, RD Solomero, Mayor Harry Florida ang blessing at ribbon cutting ng Pacac Bridge sa Allacapan, Cagayan.

 

Nagpaabot ng pasasalamat ang mga magsasaka at mamamayan ng naturang barangay kay Pangulong Rodrigo R. Duterte, DAR Secretary Cruz, RD Solomero, PARPO II Cristobal dahil natupad ang kanilang pangarap na magkaroon ng tulay na magdudugtong sa kanayunan para mapadali at maging listas na maiangkat ang kanilang produkto sa merkado.
 
Ang nasabing Turn-Over at Acceptance Ceremony ay dinaluhan din nila USEC Lucius Jun-jun Malsi, ASEC Joey Sumatra, ARDO Alfredo B. Lorenzo, Jr., Vice Mayor Yvone Florida, DPWH Engr. Vicente Uy, at iba pang opisyales at empleyado ng DAR Central, Regional, Provincial at Municipal Offices. Nagsilbi rin mga saksi ang mga kawani ng LGU Appari at mga agrarian reform beneficiaries sa naturang aktibidad.