Pamamahagi ng titulo ng lupa sa Zambales isinagawa

Isang masayang Lunes ng umaga ang nadarama ng bawat isa lalo na ang mga magsasakang tumanggap ng kanilang mga titulo ng lupa. 

Sa pangunguna ni PARPO II Engr. Emmanuel G. Aguinaldo kasama sina Engr. Domingo M. Marin, Jr. at Legal Officer Joseph F. Macahilas, naipamahagi sa tatlumpu’t walong (38) magsasakang mula sa barangay Pangolingan,  bayan ng Palauig ang   kani-kanilang mga titulo na may kabuuang mahigit sa tatlumpu’t walong (38) ektarya.

Hinikayat ni PARPO II Aguinaldo na umanib sila sa isang kooperatiba sapagkat ang mga biyayang ipinagkakaloob ng gobyerno ay ipinapadaloy sa  mga rehistradong kooperatiba.  Inihayag din niya na sa bawat paggawa at pagod ng mga kawani mula sa Land Tenure Services (LTS) Division ay may kaakibat na pakinabang naman ito para sa kanila na mga magsasaka.

Idinagdag pa niya na ang bagong Kalihim ng DAR, Conrado Estrella III, ay gumagawa ng mga hakbang upang maipasa sa Kongreso ang batas na magsasabing libre na ang amortisasyon ng lupang ipinagkaloob sa ilalim ng repormang agraryo.

Agrarian reform beneficiaries from Barangay Pangolingan in the town of Palauig show their CLOA titles in a simple ceremony held at the Provincial Office of DAR Zambales.

A total of 38 ARBs received their CLOA titles during the distribution led by PARPO II Emmanuel G. Aguinaldo covering a total of 38 hectares of agricultural lands.   

Lubos naman ang pasasalamat ng representante ng mga magsasaka sa ganitong pagkakataon na nakamit na nila ang matagal na hinihiling na titulo.

Anila, pinahahalagahan nila ang bawat pagod ng mga kawani ng DAR at makakaasa sila na pangangalagaan nila ang biyayang kaloob sa kanila.  (M. Arconado - Zambales PIO)