DAR, CDA lumagda ng isang kasunduan para mapalakas ang mga kooperatiba sa rehiyon

TUGUEGARAO CITY - Upang mapabilis ang proseso ng pag pagpaparehistro ng mga kooperatiba ng mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations  (ARBOs), ang Department of Agrarian Reform Region 02 (DARR02) sa pamumuno ni Regional Director Primo C. Lara at Cooperative Development Authority Region 02 (CDA-R02) sa pangunguna ni Regional Director Franco G. Bawang, Jr. ay nagsagawa ng paglalagda ng isang Memorandum of Agreement noong Pebrero 28 sa taong kasalukuyan sa DARR02 Compound, Carig Sur.

DARR02 RD Lara at CDA-R02 RD Bawang pumirma ng MOA para mapalaki ang bilang ng mga ARBs na magmiyembro ng ARBOs.

Ang CDA ang katuwang ng DAR para bigyan ng angkop na kasanayan ang mga opisyal at miyembro ng  rehistradong kooperatiba dito sa rehiyon.

 

Ang layunin ng MOA ay para mapataas ang bilang ng mga miyembro ng mga ARBOs na Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).  Sa pamamagitan nito mapapabilis ang pagkakaloob ng iba’t ibang suporta ng DAR at iba pang sangay ng gobyerno.

 

Ikinatuwa ni RD Lara ang agarang pagtugon ng pamunuan ng CDA na magsanib pwersa ang dalawang ahensya. Itinuring niyang  isang biyaya ang pagdating nila para sa kasunduan.  “Ang  kliyente ng DAR ay   kliyente rin ng CDA  kaya tayo ay magkatuwang sa  pagmomonitor at pag-eevaluate sa ating mga ARBOs,”ani ni RD Lara. 

 

“Sa paglalagda ng kasunduang ito ay umaasa tayo na bago matapos ang taong ito ay maaabot natin pareho ang ating mga targets”, dagdag pang sabi niya.

 

Ayon kay RD Bawang, Jr. nagagalak akong makipagsundo sa DAR. “Ang  aming mga targets sa taong ito ay ang pagre-activate ng mga in-active na kooperatiba at ang pormal na pagrerehistro sa mga organisadong mga magsasaka kaya mas mapapabilis ang serbisyo nila dahil sa MOA.”

 

“Dahil dito ay makakaasa kayo na  ibibigay namin ang suporta na inyong kailangan para maging  matagumpay ang ating mga adhikain para sa mga magsasaka” ani pa ni RD Bawang.

 

Ang matagumpay na programa ay sinaksihan din nila DAR Assistant Regional Director for Administration Estrelita V. Go, CDA Section Chief Bert Unday, OIC-Chief Agrarian Reform Program Officer (OIC-CARPO) Jenalyn F. Baleva, SARPO Alma Algeria at iba pang kawani ng DAR R02.

 

Isinulat ni ARPT Ditas T. Cadiente