Mga 'seasoned citizen' ng DAR Pangasinan, bida ngayong Elderly Filipino Week

Pagpupugay sa ating mga "seasoned citizens". Ngayong Lunes, nagdaos ang DAR Pangasinan ng simpleng selebrasyon para sa mga tinatawag na "seasoned citizens" kasabay ang Flag Raising Ceremony kanina. Bilang pakikiisa sa 2021 Linggo ng Katandaang Pilipino (Elderly Filipino Week), bida sa programa ang mga empleyado ng Provincial Office na edad 60 pataas. Kinilala at pinasalamatan ang bawat isa sa mga kawani na patuloy na tumutulong sa mga agrarian reform beneficiary sa loob ng napakahabang panahon. Saludo po ang DAR Pangasinan sa lahat ng mga nakatatanda na hindi ginagawang hadlang ang edad sa ngalan ng serbisyong publiko. Maraming salamat po! ###