South Cotabato agrarian reform beneficiaries become agri-entrepreneurs

The graduation ceremony of ARBs conducted by the DAR-South Cotabato under the Farm Business School, which aims to make farmers become agri-entrepreneurs.

Thirty-eight (38) agrarian reform beneficiaries (ARBs) from Barangay Duengas, Surallah, South Cotabato became agri-entrepreneurs as they graduate from the Department of Agrarian Reform’s (DAR) Farm Business School (FBS).

H. Roldan A. Al, DAR SOCCSKSARGEN Assistant Regional Director said that through the FBS, the farmers gained basic knowledge of agricultural business to make their products more profitable and marketable and how to properly manage their own agri-business.

Ali added that FBS is in line with DAR Secretary Conrado Estrella III’s directive to support the farmers’ livelihood activities and create for them alternative sources of income.

The graduation ceremony of ARBs conducted by the DAR-South Cotabato under the Farm Business School, which aims to make farmers become agri-entrepreneurs.

“You should apply the knowledge you acquired from FBS because this is the key to your goal of becoming a successful agricultural entrepreneur. We look forward that your farms will become learning sites in this province,” he said to the graduates.

This is the 12th FBS site in the province of South Cotabato which was launched last May 25, 2022, with the course running for almost four months.

Ellen Purisima, one of the FBS graduates thanked the DAR and other line agencies for their continual support to the farmers.

“We have so many memorable journeys in the FBS and the 25 sessions we had, gave us so much hope. We are confident that from the learnings we have gained on business planning, records keeping, savings mobilization, and value-adding, we will succeed in our agricultural lives in the future,” she said.

Evangeline Bueno, Provincial Agrarian Reform Program Officer II for her part, thanked the ARBs for accepting the challenge of completing the project and encouraged them to put their learnings into practice to make their goals turn into a reality.

Mga agrarian reform beneficiaries ng South Cotabato naging mga agri-entrepreneur

Tatlumpu’t walong (38) agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula Barangay Duengas, Surallah, South Cotabato ang naging agri-entrepreneur nang magtapos sila mula sa Farm Business School (FBS) na ipinatupad ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ayon kay H. Roldan A. Ali, DAR Assistant Regional Director na sa pamamagitan ng FBS, natamo ng mga magsasaka ang pangunahing kaalaman sa negosyong pang-agrikultura upang maging mas kumikita at mabili ang kanilang mga produkto at kung paano maayos na pamahalaan ang kanilang sariling agri-business.

Idinagdag ni Ali na ang FBS ay naaayon sa direktiba ni DAR Secretary Conrado Estrella III na suportahan ang mga aktibidad sa kabuhayan ng mga magsasaka at lumikha para sa kanila ng mga alternatibong mapagkukunan ng kita.

“Kailangan ninyong gamitin ang ang inyong mga natutuhan sa FBS dahil ito ang susi sa inyong layunin na maging matagumpay kayong agricultural entrepreneur. Inaasahan naming na ang inyong mga sakahan ay maging isa sa mga learning site sa lalawigang ito,” aniya sa mga nagtapos.

Ang FBS site na ito ang ika-12 sa lalawigan ng South Cotabato na inilunsad noong Mayo 25, 2022, kung saan ang kurso ay ipinatupad ng halos may apat na buwan.

Si Ellen Purisima, isa sa mga nagtapos sa FBS, ay nagpasalamat sa DAR at iba pang ahensiya na patuloy na sumusuporta sa kanila.

“Marami kaming hindi malilimutang paglalakbay sa FBS at sa 25 session na ginawa namin, ay nagbigay sa amin ng napakalaking pag-asa. Kami ay nagtitiwala na mula sa mga natutunan naming sa pagpaplano ng negosyo, pag-iingat ng mga record, saving mobilization, at value-adding, ay magtatagumpay kami sa hinaharap sa aming mga pamumuhay sa agrikultura,” aniya.

Nagapasalamat naman si Evangeline Bueno, Provincial Agrarian Reform Program Officer II sa mga ARB dahil sa kanilang pagtanggap sa hamon na makumpleto ang proyekto at hinikayat silang gamitin at isabuhay ang lahat ng kanilang natutunan upang magkatotoo ang kanilang mga pangarap.